^

PSN Opinyon

Inaasahan namin ang agarang pagtugon ng Bataan General Hospital

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
KADALASAN, ang iba sa atin ay madalas isinisisi ang aksidente sa iba, sinasabing ‘hindi sinasadya’ at ‘wala nang magagawa’. Bibihira ang umaamin sa nagawang pagkakamali at nakikipag-ayos na lamang sa biktima.

Matapos panghimasukan ng BITAG at Bahala si Tulfo ang imbestigasyon sa kaso ng natustang sanggol sa loob ng naka-lock na nursery room ng Bataan General Hospital agad naming nakita ang problema.

Lumalabas na kakulangan sa kaukulang pondo ang nagtulak sa pamunuan ng Bataan General Hospital upang ‘mag-improvise’ na lamang ng ilang mahahalagang gamit sa kanilang ospital.

Ang problema, dapat ay dumaan muna sa pagsusuri ng mga eksperto ang kanilang mga ‘improvised’ na kagamitan bago ito gamitin sa mga pasyente.

Pero dahil nga sa hindi nga sila ‘naaambunan’ ng pondo, hindi nila kayang kumuha pa ng eksperto para gawin ito.

Imbes na magmatigas at tumanggi, agad umamin si Dir. Ponce ng Bataan General Hospital sa kanilang pagkakamali. Inako rin ng kanilang ospital ang lahat ng gastusin ng pamilya ng sanggol na natusta.

Walang ibang hiniling ang magulang ng sanggol na biktima kundi baguhin ng Bataan General Hospital ang kanilang sistema. Nangako rin naman ang kanilang pamunuan na agad ipapatupad ang pagbabago.

Nakatakdang bumalik sa Bataan General Hospital ang BITAG at Bahala si Tulfo kasama ang magulang ng sanggol sa isang buwan upang magsagawa ng inspeksyon.

Inaasahan naming sa kabila ng kakulangan sa pondo ay maisagawa ng pamunuan ng Bataan General Hospital ang pagbabagong kinakailangan upang maiwasan ang mga aksidente tulad ng sinapit ng sanggol na natusta sa nursery room.
* * *
Hotline number (0918) 9346417 / (0927) 8280973 o tumawag sa mga numero 932-53-10 at 932-89-19. Makinig sa DZME 1530 Khz, Monday-Friday, 9:00-10:00 A.M. At panoorin ang programang "Bahala si Tulfo" Monday-Friday, 9:00-10:30 a.m. sa UNTV 37.

vuukle comment

BAHALA

BATAAN

BATAAN GENERAL HOSPITAL

BIBIHIRA

GENERAL

HOSPITAL

IMBES

MONDAY-FRIDAY

TULFO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with