^

PSN Opinyon

Gawing tama ang pamamahala sa residual wastes

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG isa pang problema sa basura ay ang tinatawag na residual wastes o mga non-biodegradable wastes. Kabilang dito ang mga plastic, lata, glass, kandila, laminates, baterya at gulong ng mga sasakyan, papel at latak ng mga papel, flourescent bulbs, tetra packs at doy packs.

Ang residual wastes ay maituturing na seryosong usapin sa solid waste management dahil sa kalagayan nito na hindi na nare-recycle at nako-compost. Hindi man ito maituturing na mapanganib, ang pangangalaga sa residual wastes kung hindi maaagapan ay lilikha ng mahigit sa 230 milyon cubic meters ng magkahalong solid at residual wastes sa Metro Manila sa loob lang ng 30 taon. Magiging katumbas nito ang hanggang tuhod na basura sa buong metropolis.

Hindi lang problema sa basura ang kinakaharap natin kundi maging ang paghahanap ng angkop na lugar para pagtapunan ng residual wastes lalo na’t isinara na ang Carmona at San Mateo sanitary landfills. Ang basura sa mga pangunahing metropolis sa buong bansa ay itinatapon sa 10 open and controlled dumpsite sa mga lugar na ito at sa isang sanitary landfill sa Capaz, Tarlac.

Alam ba ninyo na ang mga kabahayan sa buong bansa ay lumilikha ng hindi bababa sa 19,700 tonelada ng basura araw-araw? Sa Metro Manila lang ay may 5,245 tonelada ng basura na nililikha sa bawat araw at 720 tonelada lamang ng basura ng bansa ang nare-recycle o nako-compost. Ang naiiwan ay dinadala sa mga dumpsite o itinatambak at itinatapon na lang sa mga ilog at mga pribadong lupa.

Iyan ang importanteng tungkulin na gagampanan sa ilalim ng residual waste management na isinusulong ng mga local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs), government agencies, mga pribadong kompanya, akademiya at iba pang solid waste management practitioners.

ALAM

BASURA

CAPAZ

CARMONA

IYAN

KABILANG

METRO MANILA

SA METRO MANILA

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with