^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kakahiya ! (2)

-
LABING-WALONG oras makaraang holdapin ng dalawang lalaki ang Belgian na si George Brion, nadakip na agad ang isa sa mga holdaper. Si Brion, isa sa mga delegates sa Inter-Parliamentary Union (IPU) ay walang paalam na lumabas sa kanyang tinutuluyang hotel at sumakay ng tricycle at nagpahatid sa pinakamalapit na simbahan. Pero sa halip na ihatid sa simbahan, dinala ito ng driver sa madilim na lugar kung saan ay naghihintay ang kasabwat na lalaki. Tinutukan nila ng patalim ang foreigner at kinuha ang pera, credit cards, cell phone, at alahas. Lumaban si Brion kaya pinagtulungan siyang bugbugin. Tumakas ang dalawa pagkatapos holdapin samantalang si Brion ay tinulungang dalhin sa ospital ng isang tricycle driver.

Mabilis na nahuli ang isa sa mga humoldap kay Brion. Inginuso siya ng kanyang kapitbahay. Narinig umano ng kapitbahay na ipinagyayabang ng suspect na si Victorio Mallari, 24, na mayroon silang hinoldap na foreigner. Pero bago iyon nagsagawa muna nang puspusang saturation drive ang mga pulis ng Western Police District sa lahat ng tricycle drivers sa nasabing lugar subalit hindi nakita si Mallari. Sinabi naman ng suspect na nilapitan lamang siya ng kasama niyang si Jess at sinabing holdapin daw nila ang foreigner sapagkat marami itong pera. Ang pera raw ay nasa kanyang partner sa panghoholdap. Inamin ni Mallari na siya ay drug user at miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik. Hinahanap pa ng mga pulis ang kasabwat ni Mallari.

Maaari palang mahuli agad ang mga holdaper kung gugustuhin lamang ng mga pulis. Ito ay kung foreigner siguro ang mahoholdap. Imagine, 18 oras makaraan ang panghoholdap ay naaresto na agad ang suspect. Kung Pinoy kaya ang naholdap ganito rin kabilis o hindi na mahuhuli ang mga holdaper? Maaaring hindi na.

Maraming pagkakataon na inirereport ng mga nabiktima ng holdap ang pangyayari sa police station subalit may mga pulis na walang interes na habulin ang mga holdaper. Iba-blotter lamang ang mga reklamo. Karaniwang dahilan ng mga pulis ay wala silang sasakyan kaya hindi na mahahabol. Isa rin sa dahilan ay kulang daw sila sa tao. Kaya walang magawa ang mga nagrereklamo kundi ang umalis sa police station na laglag ang balikat.

Kakahiya ang nangyari sa Belgian sapagkat una nang pinamalita ng PNP ang seguridad sa mga delegado ng IPU. Marami raw naka-deploy na mga pulis. Kung maraming pulis bakit naholdap ang Belgian? Kailan maipatutupad ng PNP na laging may pulis sa kalye at sa anumang oras ay makadadalo sa pangangailangan hindi lamang ng dayuhan kundi mga Pinoy man?

vuukle comment

BRION

GEORGE BRION

INTER-PARLIAMENTARY UNION

KUNG PINOY

MALLARI

PERO

PULIS

SI BRION

SIGUE-SIGUE SPUTNIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with