THE RODOLFO AGUINALDO STORY, NAKATANGGAP AKO NG TAWAG MULA SA MAG-AMANG FARMER MULA SA BRGY TAGUIRIG, SOLANA, CAGAYAN. SILA SINA ROGELIO MALANA, 63 YRS OLD, BIYUDO, AT ANG ANAK NITONG SI JOSE MALANA, MAY ASAWA, 39 YRS OLD.
"Mr. Calvento, galing pa ho kami ng Solana Cagayan at nagsampa kami ng demanda laban kay Atty. Victor I. Padilla dito sa Department of Justice.
Nabasa po namin ang inyong isinusulat tungkol kay Governor Aguinaldo. Siya po ay mabuting tao at tumulong sa amin nung kainitan ng problema namin dahil sa panggigipit ng abogadong ito na gustong kumamkam sa lupain na aming tinatamnan sa kabundukan ng Cagayan," paliwanag ni Jose Malana ng aking EXCLUSIBONG makapanayam.
Si Rogelio Malana ay hindi masyadong marunong mag-Tagalog.
Ilokano ang kanyang wika. Ang kanyang anak na si Jose o Jessie ang nakikipag-usap sa akin dahil nakatungtong ito ng high school.
Natatakot sila para sa kanilang kaligtasan Ayon sa kanila, na-trauma sila ng sila ay makulong ng tumanggi ang matandang Malana na pumirma ng isang kasunduan ng mahigit sa isang buwan sa jail sa Tuguegarao.
"Natatakot po kami subalit ganun na rin ang patutunguhan nitong aming ipinaglalaban. Mamamatay din naman kami kung hindi aaksyon. Ang aming pamilya ay mamamatay ng gutom. Pagtatanim ang aming kinabubuhay at gustong kunin ito sa amin. Gumawa kami ng legal na hakbang para sa pahirap na dinanas naming mag-ama."
"Naisipan din namin na magpunta sa inyo dahil nuon pa man napapanood ka na namin at nababasa ang inyong mga isinusulat. Tulungan niyo po kami sa aming ipinaglalaban. Labing tatlong pamilya po kami na apektado," pakiusap ni Jessie.
Nagsampa sila ng mga kasong KIDNAPPING, SERIOUS ILLEGAL DETENTION, GRAVE THREATS, COERCION, INCRIMINATING INNOCENT PERSONS laban kay Atty. Victor I. Padilla at kasong PERJURY naman laban sa katiwala nitong si Mario Pagulayan.
Matatandaan na si Atty. Victor I. Padilla ang kontrobersyal na abogado ni dating Governor at Congressman ng Third District ng Cagayan na si Rodolfo Aguinaldo.
Ang kanilang reklamo ay inihain sa Department of Justice sa tanggapan ng Chief Anthony Fadullion at nakadocket na I.S. No. 2005-254.
Base na rin sa salaysay ng matandang Malana, mula pa nung 1960 nagtatanim na silang mag-asawa sa Brgy. Taguirig, Solana, Cagayan. Nagsimula sila sa isang maliit na lupa lamang na mahigit kumulang sa isat kalahating hektarya. Ang kanilang mga tinatanim nung mga panahong yun ay ang mga punong-kahoy tulad ng G-Melina, Ipil-Ipil, Mahogany.
Nung 1973 dumating ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at pinaalis sila sa lupaing yun,
"Nung 1979 bumalik kami dahil wala na ang DENR at nagtanim ulit. Nung 1994 dahil sa aming pakiusap nagkaroon ng kasunduan ayon sa Community Based Reforestation Management (CBFM). Kami ay binigyan ng pahintulot kung saan kaming mga taga Maguirig ay nagkaroon ng karapatan na magtanim ng mga "fast crops" na mga mais, saging, pinya, balatong at mga gulay," ayon kay Jessie.
Nung 1998, bigla diumanong pumasok ang abogadong si Victor Padilla kasama ang kanilang mga tauhan at binakuran ang buong paligid ng Maguirig, pati na rin ang lupang sinasakop ng DENR. Sinabi sa mga taga Maguirig na kanya raw ang lupain na yun.
"Nagulat na lang kami ng sabihin nitong si Atty Padilla na kanila raw ang lupain na yun at pinalagyan ng barbed-wire ang buong paligid. Pilit kaming pinapipirma sa isang kasunduan kung saan kukuha siya ng porsiento sa lahat ng aming mga ani. Magtatayo daw ito ng kooperatiba," ayon kay Jessie.
Minasdan ko ang mag-amang kausap ko. Their story is nothing new to me or to you na nagbabasa ng artikulong ito. Katunayan, ang plot na ito ay naging thema ng ilang mga pelikulang nagdaan. Kadalasan ang kinahahantungan ng lahat ng ito ay isang madugong komprontasyon.
Such is the plight of our lowly farmers who have been tilling the soil then forced out from the land by the rich and mighty. A quote from a line of a great leader, a known champion of the masses, the late President Ramon Magsaysay..."Those who have less in life should have more in law" quickly comes into mind.
"Lumapit po kami kay Governor Aguinaldo at humingi ng tulonng. Sinabi niya sa amin na huwag raw kaming pipirma ng kahit anong kasunduan. Sinunod po namin ang payo ng aming mahal na gobernador."
"Subalit ang nangyari, nung Oktubre ng 2000 kaming mag-ama ay dinampot ng mga pulis ng Solana. May warrant of arrest daw laban sa amin. Nagulat na lamang po kami. Wala naman kaming natatanggap na demanda o subpoena man lang. Basta na lamang kaming dinampot. Mahigit isang buwan kaming nakakulong. Hindi alam ng aming pamilya kung saan kukuha ng pampiyansa. Kinasuhan kami ng illegal logging. Nagpuputol daw kami ng kahoy. Wala kaming pinuputol na kahoy. Mga fast crops po ang inaani namin," mariing binanggit ng mag-ama.
Mula sa isang luntiang kapaligiran kung saan malaya nilang binabati ang sikat ng araw sa kabundukan ng Cagayan, nilalasap ang sariwang hangin, nagtatampisaw sa malinis at nalinaw na tubig ng batis, ang mundo ng mag-amang Malana ay lumiit.
Isang mainit na selda na halos walang hangin. Isang masikip na selda kasama ang mga mamamatay tao, mga rapists, mga magnanakaw at iba pang mga kriminal. Higit pa rito nahiwalay sila sa kanilang mga mahal sa buhay.
"Hanggang ngayon dala pa namin ang sakit ng mga pangyayari.
Hindi namin maintindihan kung paano napunta kay Atty. Padilla at sa kanyang pamilya ang lupain na yun. Sa DENR nga ang lupang yun. Kung meron siyang katibayan aalis naman kami gaya ng ginawa namin nung 1973.
Anong nagawa naming kasalanan? Bakit kailangan kaming ipakulong? Dahil ba sa kamiy mahirap lamang at hindi nakatapos ng aming pag-aaral? Kinailangan namin ibenta ang aming lupa para makapag-bail," luhaang ipinagtapat ng mag-ama.
The case against them have been dismissed. They now fear that they will still be driven from the land they have been tilling for decades. Scores even. Handa silang ipaglaban ang kanilang karapatan. Kailangan pa bang dilingin ng dugo ang lupa na kanilang sinasaka? Huwag naman sana!
They have desperately tried all measures including writing a letter to President Gloria Macapagal-Arroyo and the good senator from Cagayan, Juan Ponce-Enrile. Their pleas have yet to be answered. Sino ang tutulong sa kanila? HINDI NATIN SILA DAPAT PABAYAAN!
ABANGAN ang mga susunod pang detalye ng kwento ng mag-amang Malana sa pagpapatuloy ng CALVENTO FILES sa PSNGAYON.
PARA SA COMMENTS, REACTIONS O INFORMATION, MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.