^

PSN Opinyon

Sr. Supt. Benedicto Fokno, P30 thou pala ang parating sa'yo no?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGSILUNDAGAN na parang daga sina Randy Sy at Buboy Go bunga sa naabot pa natin ang operation ng video karera nila sa San Miguel at Meycauayan sa Bulacan. ’Ika nga nag-alala sila na dahil sa ginawa kong pagbubulgar ng kanilang negosyo ay biglang iwan sila sa ere ng mga kausap nila lalo na sa opisina ni Sr. Supt. Benedicto Fokno, ang hepe ng Bulacan PNP. Kung sabagay, kahit na inabot ng nerbiyos sina Randy Sy at Buboy Go, hindi naman kumilos si Fokno para masawata ang kanlang ilegal na negosyo. Tiyak may malalim na dahilan ang pananahimik ni Fokno, di ba mga suki? He-he-he! Siguro magaling makipagrelasyon itong sina Randy Sy at Buboy Go.

May katwirang magbingi-bingihan at magbulag-bulagan si Fokno dahil may nakakarating pala sa bulsa niya, ayon sa taga-WPD na nakausap ko. Sa opisina pala ni Fokno ay tig-P30,000 kada-linggo ang parating nina Randy Sy at Bubboy Go kaya’t kahit anong reklamo ng mga magulang laban sa video karera nila ay hindi ito pinapansin ni Fokno. Ang bagman pala ni Fokn ay isang pulis na alyas Sulo. Kaya ang mga parating kay Fokno, hindi lang sa video karera kundi maging jueteng ay kay Sulo dumadaan, anang kausap ko sa WPD. Kaya kung P30,000 kada linggo itong si Fokno hindi nalalayo na mas malaki pa ang naaanggi sa bulsa nina Mayor Eddie Alarilla ng Meycauayan at Pope Buencamino ng San Miguel, di ba mga suki? At sa tingin ng mga kausap ko, pati opisina ni Gov. Josie dela Cruz ay nakikinabang din. Ano ba ’yan?

Kung sa Maynila ay nasupil ang video karera nina Randy Sy at Buboy Go, bakit sa Bulacan, hindi sila magalaw-galaw? Kung umaabot sa tig-100 pirasong makina nina Randy Sy at Buboy Go ang nakalatag sa Bulacan, aba libu-libong kabataang Bulakenyo ang nalululong sa ngayon sa droga at krimen. At kapag hindi nasugpo kaagad ang mga makina sa San Miguel at Meycauayan, tiyak sa darating na pasukan, kokonti na lang ang magiging bilang ng estudyante sa dalawang bayan dahil karamihan sa kanila lulong na sa video karera o dili kaya’y nakakulong bunga sa paglalaro nga ng sugal. Bakit hindi ipag-utos ni Interior Sec. Angelo Reyes kay Chief Supt. Rowland Albano, ang hepe ng PRO3 na walisin ang video karera nina Randy Sy at Buboy Go sa Bulacan? Habulin na rin ni Reyes sina Alarilla at Buencamino para hindi na sila pamarisan pa ng ibang lokal na opisyal sa bansa. He-he-he! Aabutin kaya ng delubyo ni Reyes sina Gov. Dela Cruz, Alarilla, Buencamino at Fokno?

Tingin ko naman, bilang na ang mga araw nina Randy Sy at Buboy Go sa Bulacan. Kasi nga di tulad sa Maynila na inabot tayo ng halos dalawang taon na pakikibaka hanggang sa matauhan si Mayor Lito Atienza at umaksiyon nga laban sa video karera nina Randy Sy at Buboy Go. Si Randy Sy ay inaanak pa ni Mayor Atienza kaya’t bagyo ang kapit niya. At medyo niluluwagan din ng kaibigan kong si WPD director Supt. Pedro Bulaong si Randy Sy bilang paggalang kay Atienza. Pero sa Bulacan, pera-pera lang ang relasyon nina Randy Sy at Go sa mga pulitiko at pulisya kaya’t nakikita ko na hindi maganda ang kahinatnan nila.

Kung si Bulaong naman ay kapit-tuko kay First Gentleman Mike Arroyo kaya hindi siya natitinag kahit abot langit na ang batikos sa kanya, itong si Fokno kaya ganun din? May kasagutan sa darating na mga araw.

Abangan!

BUBOY

BUBOY GO

BULACAN

FOKNO

KAYA

RANDY

RANDY SY

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with