Nakalista sa buking shit este mali booking manifest sheet pala ng PAL na hindi bababa sa 50 people ang kasama sa eroplanong sasakyan ni Prez GMA.
Siyempre dehins pa kabilang todits ang piloto at crew members ng Philippine Airlines PR-001, isang special chartered flight na ang biyahe ay Manila-Rome-Manila.
Libre kaya ang mga nakasakay todits kung free sino kaya ang nagpakabayani para i-sponsor ang flight?
MGM Grand Hotel kaya? He-he-he!
Oh, baka si Manny Pacquiao?
May boksing ba sa Vatican kaya pupunta ang mga top brass at mga millionaire people ng Pinas?
Kamote, burol ng Santo Papa ang pupuntahan nila.
Sa buking shit manifest este mali booking manifest sheet pala kasama sa mga aalis siyempre si Evangeline "Luli" Arroyo, ang daughter ni Prez Gloria, Cecile Guidote-Alvarez, Press Secretary Ignacio Bunye, Thelmo Cunanan, Batangas Rep. Hermilando Mandanas, Gina de Venecia, Bishops Gaudencio Rosales at Socrates Villegas at Maria Cristina Lontok, chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ang iba pang kasama sa nasabing manifest ay sina: Marife Aquino, Keith Avena, Antonio Arbasto, Domingo Arcangeles, Endika Aboitiz, Paciano Aniceto, Mariluz Agravante, Phaveena Aguinaldo, Zandrojay Allam, Maclarita Ballegue Sr., Delfin Bangit, Josie Balolong, Jaime Bautista, Ermita Contad, Pedrito Cadungog, Leonard Calderon Jr., Belinda Cunanan, Gerardo Carual, Edwin Cuenco, Efren Cruz, Howard Dee, Roger Daquina Jr., Mercedes Doplayna, Allan del Rosario, Teresa Eduarte, Wilfredo Hugo, Jaime Jayco, Lingling Lacanlale, Antonio Ledesma, Leonardo Mercado, Maluz Mejares Jr., Christopher Magdangal, Paulino Malakas, Ralph Mamauag, Miranda Generoso, Rosepaz Narvaja, Elpidio Natividad, Emmanuel Ortencio, Doy Oyco, Juan Dedios Pueblos, Edwin Purificacion, Lou Solijon Sr., Ronaldo Sadsad, Mari Felisa Saquilabon, Isabel Tobias, Maria Teresa Tunay, Susana Vargas, Nestor Valdez, Eva Valenzuela at Lynda Valencia.
Malalaman natin kung nakasakay lahat ang nasa buking manifest este mali booking flight manifest pala dahil makikita natin sa actual flight manifest kung nosi-nosi ang sumama.
"Maraming top brass officials sa buong mundo ang pupunta sa libing ni Pope John Paul II," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Todits sa lamay ni Pope puwede silang mag-tsikahan lalot si Prez Gloria at US of A Prez George Bush," anang kuwagong espiya ng Mossad.
"May sakla kayang inilagay?"
"Kamote ka pala, walang sugal sa Rome," anang kuwagong Kotong cop.
"Ano ang paglilibangan nila?"
"Baka mahjong, kamote. He-he-he!"