"Konsensiya na lang niya -- Lerma Aguinaldo"
April 6, 2005 | 12:00am
ANG PAGKAKAIBIGAN NI AGUI KAY ATTY. VICTOR I. PADILLA AY ALAM NG MGA TAGA CAGAYAN. SOBRANG TIWALA ANG IBINIGAY NIYA SA ISANG KAIBIGAN NA SA HULI "BETRAYAL" ANG IGAGANTI NITO, AYON NA SA KWENTO NG BIYUDA NI AGUI NA SI LERMA AGUINALDO.
"May mga bagay na ipinagkatiwala dito sa taong ito ang aking asawa. Mga sikreto na hindi niya kailanman ipinagtapat maski na sa akin, asawa na niya ako o sa kanyang ama at kahit na rin sa kanyang kapatid. Talagang close sila subalit naging matindi ang galit nitong taong ito matapos hindi siya mapagbigyan ni Agui sa kahilingan na magputol ng puno sa Cagayan," pagtatapat ni Lerma.
Kaya nang magkaroon ng offer ang Regal Films, Incorporated na isapelikula ang buhay ni Agui, "Ang Aguila ng Cagayan " si Atty. Padilla ang naatasan na makipag-usap, magnegotiate para sa Film Rights ng pelikulang ito. Si Lito Lapid ang gumanap bilang Rodolfo Aguinaldo.
"Si Bing Padilla ang nag-ayos ng lahat. Hindi ko nga alam kung magkano ang tinanggap (kung meron nga?) ng aking asawa para sa pagsapelikula nito. Pati mga detalye ng storya si Bing Padilla ang nakialam," liwanag ni Lerma.
Ayon na rin sa mga theater owners, ang pelikula ni Agui ang naging blockbuster sa mga sinehan. Ito ay kumita ng milyun-milyon para kay Mother Lily Monteverde at sa Regal Films.
"Ganito naging close sina Agui at Atty. Padilla. Kahit sa panaginip hindi naisip ni Agui na lalabanan siya nito sa politika. Tumakbo bilang Governor ng Cagayan itong si Atty. Padilla nung 1995. Dito nag-umpisa ang lahat ng paninira nito sa aking asawa. Lahat na nga ng pwedeng ibato at ibintang kay Agui ginawa ni Bing Padilla," ayon kay Lerma.
Naglabas daw ng black propaganda laban kay Agui itong dati niyang abogado at matalik na kaibigan na si Atty. Padilla. Ito ay nalathala sa mga local papers at ang mga pinakamatinding banat sa kanya ay lumabas sa Valley Chronicles.
"Hindi ko malaman kung si Atty. Padilla ang publisher ng Valley Chronicles at ang laman nito ay puro mga paninira kay Agui. Pati mga caricatures sa dyaryong si Agui ang nakaguhit. Nandun yung nakalarawan na si Agui ay pinapakain niya sa kanyang palad. Hindi naman ganun ang mga pangyayari," sabi ni Lerma.
Maaring ganun ang naka-caricature dahil nung magkaroon ng kaso si Agui ng complex crime of Rebellion with Murder, natira ito sa resort ni Atty. Padilla, ang Oasis Club Resort sa Tuguegarao nung mga panahong yun.
"Kaya siguro lumabas yung caricature na yun na pinapakain niya ang aking asawa sa kanyang palad. Grabe naman talaga. Maliban pa dyan merong mga caricatures kung saan may mga nakayakap sa binti ng aking asawa na mga babae. Pati na rin ng mga babaeng diumanoy nabuntisan niya na naghahabol daw sa kanya. Talagang personal ang mga tira nitong si Atty. Padilla na isang matalik na kaibigan ang turing sa kanya ni Agui," ayon kay Lerma.
Agui had hoped that the level of the campaign would have been kept in a high level, concentrating more on the issues rather than attacking personal matters.
The adage "your best friend could be your worst enemy" proved true for Agui.
The attacks came in many media outlets in Cagayan. Radio stations were also feasting on the pronouncements of Aguis friend turned rival, Atty. Vic Padilla.
"Sa radyo banat nang banat din yang si Atty. Padilla. Sa Radyo Bombo parati niyang tinitira si Agui. Sinusubukan namang sagutin ni Agui ang lahat ng isyu na inilalabas niya. Torturer daw ang aking asawa. Naglabas siya ng mga tao na nagclaim na biktima sila ng torture ng aking asawa. Hindi naman totoo. Puro mga fabricated,"kwento ni Lerma.
These witnesses were brought to fore allegedly to discredit Agui in the Governatorial elections. False witnesses testifying not in court but in media to demolish, according to the widow her husband in order to win the top position of the province.
"Itong mga testigo na ito hindi naman nagfile ng case. Matapos ang election nung 1995 hindi na lumabas. Maliwanag na ginamit lang sila para matalo si Agui bilang governor," ayon kay Lerma.
Despite all the negative and personal issues raised against Agui, he beat Padilla in the elections for Governor of Cagayan.
"Overwhelming naman ang pagkapanalo ni Agui sa elections laban kay Atty. Padilla. Pagpapatunay na siya ang gusto ng mga taga Cagayan.
My staff in "CALVENTO FILES" exhausted efforts to look for the office of Valley Chronicles and we were informed that this publication has closed down. Was this newspaper put up for one purpose? Was it used as a tool to ensure the victory of a candidate and discredit another? These questions are better left answered by the people behind the publication of the said newspaper. Isang bagay na si Atty. Victor Padilla ay maaring makapagbigay linaw. Bukas ang "CALVENTO FILES" kung nanaisin niya.
Nung buhay si Agui nabanggit niya sa kanyang biyuda na may biniling mga lupain si Atty. Padilla na ilang hektarya. Ito raw ay share nila sa Small Town Lottery na pinatakbo ni Atty. Padilla. Dahil nga Governor si Agui ang mga titulo ay ipinaubaya na kay Atty. Padilla ang pa mamahala.
Ang mga lupain na ito ay worth millions of pesos. Mahigit sa 23 hectares ang laki ng lupain na malapit sa Provincial Capitol ng Cagayan na inilagay diumano sa pangalan ng Blue Pearl Management Corporation at pagkatapos ay isinalin sa pangalan ng anak na babae ni Atty. Padilla sa pamamagitan ng Maria Victoria Realty Development Corporation.
"Common knowledge naman yan dito sa Tuguegarao na sa aking asawa yang mga lupa na yan. Kahit wala naman akong pinanghahawakan na mga papeles, alam naman ni Atty. Padilla ang storya dyan. KONSENSYA na lang niya yan. Dapat sa mga anak ni Agui yang lupain na yan. Konsensya na lang ni Atty. Padilla yan," paulit-ulit na sinabi ni Lerma.
Maliban sa lupa na malapit sa kapitolyo, meron pang malawak na lupain na sinasabi na si Agui daw ang may-ari. Ito ay matatagpuan sa Lannig, Solano, Cagayan. Isang fruit orchard na nilagay din sa Maria Victoria Realty Development Corporation.
"Kung talagang ibibigay sa amin ang mga lupang yan matagal na sana. Ngayon trabaho na lang ang iniisip ko para sa aming mga anak. Nung namatay si Agui binigyan kami ni Boss Danding (Cojuango) ng negosyong maliit ang BMEG products na aming ikinabubuhay. Gaya ng nabanggit ko na kay Atty. Padilla naman ang desisyyon kung meron siyang konsensya, ibibigay niya sa aking mga anak yung lupa na para kay Agui," pahayag ni Lerma.
PARA SA ANUMANG COMMENTS, REACTIONS O INFORMATION MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DING TUMAWAG SA 7788442.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended