Paging BIR Commissioner Willy Parayno

NAKIKIDALAMHATI ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil kinuha na ni Lord ang Santo Papa.

Ipagdasal natin ang kanyang kaluluwa.

Ikinalulungkot ng mga Kuwago ng ORA MISMO at maging Sambayanan Noypi ang pagkawala sa mundo ni Pope John Paul II.

Ang isyu, nagsumbong ang ilang asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tungkol ito sa Bay Spring Resort sa may Lucanin, Mariveles, Bataan porke ang resibong ibinibigay nila sa kanilang mga customers ay alaws, TIN, VAT at dehins naka-register sa gobyerno.

Sabi nga, kumikita ang resort pero alaws share ang gobyerno sa buwis.

Ilan kayang resort sa Bataan ang ganito?

Resibong gawa sa Recto ang dating na ibinigay ng pamunuan ng nasabin resort sa kanilang customers. Take note, BIR bossing Willy Parayno, Your Honor!

May kopya ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng receipt na ginaybi ng Bay Spring Resort only serial number ng resibo ang nakatitik kahit pangalan ng establishment ay sulat kamay.

Naku ha!

Dapat tulungan ang gobyerno dahil hirap ito sa collection regarding taxes.

‘‘Tiyak magkaka-problema toits sa BIR kapag nagbukas ng libro ang mga examiner,’’ anang kuwagong economic saboteur.

‘‘Matagal na kaya nilang ginagawa ito?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Iyan ang dapat alamin ng BIR,’’ sagot ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Sana tulungan nila ang gobyerno.’’

‘‘Iyan kamote ang dapat natin abangan.’’

Show comments