Basahin ang Juan 20:19-31.
Kinagabihan ng araw ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakasara ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila. "Sumainyo ang kapayapaan!" sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Jesus, "Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo." Pagkatapos, silay hiningahan niya at sinabi, "Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad."
Ngunit si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa 12 alagad ay wala roon nang dumating si Jesus. Kaya sinabi sa kanya ng ibang alagad, "Nakita naming ang Panginoon!" Sumagot si Tomas, "Hindi ako maniniwala hanggat di ko nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay at naisusuot dito ang aking daliri, at hanggat hindi ko naipapasok ang aking kamay sa kanyang tagiliran."
"Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad; kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Jesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi niya, "Suma-inyo ang kapayapa-an!" Saka sinabi kay Tomas, "Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka." Sumagot si Tomas, "Panginoon ko at Diyos ko!" Sinabi sa kanya ni Jesus, "Naniniwala ka na ba sapagkat na-kita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakikita."
Ang kapayapaang nagmumula kay Jesus ang tanging uri ng kapayapaan na nagbibigay-buhay, nagpapasigla, nagdudulot ng katiwasayan at kaligayahan. Kung nasa sa atin ang kanyang kapayapaan, masigla nating isasagawa ang misyong iniatang niya sa atin bilang kanyang mga tagasunod. Higit sa lahat, kahit hindi natin siya nakikita, tayoy maniniwala at patuloy na umaasa na siyay kapiling natin.
Na ang lahat ng mga kahirapan, pasakit, kawalang-katarungan ay may kalutasan at kalunasan dahil sa siya ang KAPAYAPAAN.