Sec. Defensor imbestigahan mo ang GEM at BIOTECH sa San Pedro
April 3, 2005 | 12:00am
KALAMPAGIN natin ang kapitbahay natin sa espasyong ito na si DENR Sec. Mike Defensor ukol dito sa reklamo ng taga-San Pedro, Laguna laban sa dalawang kompanyang umanoy bumababoy sa kanilang lugar. Sa kanilang sulat kay Defensor, nililinaw ng taga-Barangay San Antonio o San Pedro na wala silang balak na ipasara ang Good Earth Management Corporation o Gem at ang Drug Makers o Biotech kundi hilinging itama nila ang kanilang operasyon alinsunod sa itinatadhana ng batas sa kani-kanilang Environmental Compliance Certificate (ECC). Nilakipan pa ng taga-San Pedro ng mga bagong kuhang retrato ang kanilang sulat kay Defensor para makita niya ang pagsalaula ng dalawang kompanya ng kanilang lugar. Hindi nalalayo na magkakasakit sila kapag hindi inayos ang GEM at BIOTECH ang operasyon nila, ayon pa sa mga residente. Sa tingin ko naman, walang mawawala kay Defensor kung paiimbestigahan niya ang reklamo ng residente ng Barangay San Antonio, di ba mga suki? He-he-he! Bilang na ang mga araw nitong dalawang kompanya.
Ito palang GEM ay pag-aari ng pulitikong si Calixto Cataquiz. Ang Gem ay nagkaroon ng ECC para mag-operate ng Material Recovery Facility subalit nitong mga huling araw, nagmukha itong isang open dumpsite. Wala silang gamit para maging isang MRF, dahil pangit naman na basta na lamang nila itinatapon ang basura at ni hindi tinatabunan ng lupa, anang mga residente sa kanilang sulat kay Defensor. At dahil nga sa ginagawa na ito ng GEM, umaalingasaw ang baho ng basura na maaaring maapektuhan ang kanilang kalusugan, anang mga residente. Ang sunog na makikita sa larawan na ipinadala nila kay Defensor ay dahil sa mga gas na sumisingaw mula sa mga nabubulok na basura, dagdag pa nila. Ang masama na dumadaloy ang katas ng basura sa isang ilog na katabi ng dumpsite, anila. Sa madaling salita, tila walang tamang ginagawa ang GEM dahil pulis paglabag sa kanilang ECC ang nagaganap, he- he-he! Ano kaya ang masabi ni Mr. Cataquiz dito sa reklamo ng mga residente sa paligid ng kumpanya niya? Inilakip rin ng mga residente sa kanilang sulat kay Defensor ang mga litratong nagpapakita ng pagsala-ula ng BIOTECH sa kapaligiran nila. Itinuturo nila ang bandang likuran ng kompanya ang isang pusali na dinadaluyan umano ng mabaho at maitim na likido na nagmumula sa loob ng planta ng gamot. Walang tigil ang pagdaloy ng nasabing likido, anila.
Sa may bandang tagiliran naman ng kompanya ay mayroong ga-binti na gomang tubo na nagmumula sa loob ng planta kung saan dumadaloy naman ang maputi subalit nangangamoy na likido na sa tingin nila ay toxic waste. Ano ba yan? Ayon sa mga residente, wala silang balak na mapatigil ang operasyon ng GEM at BIOTECH. Ang hinihiling nila kay Defen-sor ay pasundin at tumalima sila sa mga itinatadhana ng batas at kani-kanilang ECC. Magaganap lang lahat ng pangarap nila kung bibigyang pansin ni Defensor ang kahilingan nilang imbestigasyon. At kapag hindi pa rin papansinin ng dalawang kumpanya ang problemang dulot ng operasyon nila kahit nakialam na si Defensor, aba nararapat lang na parusahan sila di ba mga suki? Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended