^

PSN Opinyon

Ano ang kapalit?

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
MABIGAT ang reaksyon ni Sir Señor Don JOSE Miguel Arroyo tungkol sa kanyang paggamit ng grand villa ng MGM Hotel sa Las Vegas na nagkakahalaga ng $20,000 dollars kada araw o mahigit P1 milyon kada araw.

Galit siya at sinabing bakit naman daw siya ang nakikita samantalang libre naman daw ang paggamit niya ng naturang kuwarto at hindi raw totoong nagkakahalaga ito ng $20,000 dahil ang pinakamahal daw na kuwarto sa naturang hotel ay nagkakahalaga lang ng $6,000 o mahigit P300,000 kada araw.

Masama rin ang loob niya dahil hindi naman daw gastos ng gobyerno at libre nga bukod pa sa hindi naman daw siya opisyal ng gobyerno at isang private citizen lamang. Wow!!! Private citizen kaya naman meron siyang right to privacy, right against self incrimination at right to remail silent, pero esposo, asawa at husband siya ni Madam Senyora Donya Gloria.

Ang mga bodyguards niya ay miyembro ng Presidential Security Group na pinasusuwelduhan ng sambayanang Pilipino. Kahit saan siya magpunta dala niya ang pangalan ng Republika ng Pilipinas at alam nang lahat kung sino ang kanyang asawa.

Katunayan, sa aking pagkakaalala ang buong pangalan po ni Madam Senyora Donya Gloria ay Gloria Macapagal-Arroyo as in JOSE Miguel Arroyo. Alam po nang lahat toh at alam rin po ni Misis Toh!

Sir Senor Don JOSE Miguel Arroyo, meron pong mga katanungan ang dapat n’yo pong sagutin sa sambayanan kahit po kayo ay isang pribadong citizen lamang.

Naghihirap po ang sambayanan, walang tigil ang taas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin. Kasama po riyan ang napipintong pagtaas ng pamasahe. Pahirap nang pahirap ang buhay pero bakit nakuha n’yong tanggapin ang naturang kuwarto na napakamahal at namuhay kayo ng napakaluho at tila isang Hari kahit na ilang araw lamang? Sabagay mayaman nga pala kayo at kahit noon ay galing sa angkan ng mga mayayaman. Pero sagutin po sana ninyo ang tanong na yan.

Sagutin n’yo rin po kung hindi ba mas maganda kung tinanggihan ninyo ang management ng MGM na lalo kayang hahangaan dahil sa inyong pagiging isang simpleng tao. Kesa tinanggap n’yo ang kanilang hospitalidad, yun ay kung talagang libre, hindi ba maaaring kinausap n’yo na lang upang itulong na lang sa anumang foundation dito sa atin ang kanilang pagiging galante upang makaahon ang ating mga kababayang mahihirap.

Kahit sa inyong libreng pustiso foundation man lang o sa mga pamilya ng mga sundalong nasawi sa pakikipaglaban o sa mga guro na hanggang ngayon ay hindi nakakatikim ng pagtaas ng suweldo pero tinatawag nating pangalawang ina.

Ang katumbas ng binigay nila, $6,000 a night man o $20,000 kada gabi ay napakalaking bagay para sa ating mga kababayan na nagkakasya sa lumang kahon at sako na nagsisilbing haligi, sahig at bubong ng bahay.

Tandaan po natin $6,000 kada gabi sa tatlong araw ay $18,000 mahigit isang milyong piso pa rin ang halaga. Lalo na kung $20,000 kada araw di $60,000 sa tatlong araw. Tumataginting na mahigit P3 milyon.

Sir Señor Don JOSE Miguel Arroyo, kahit ho kayo isang pribadong citizen, bilang asawa ni Madam Senyora Donya Gloria, hindi ba dapat kayo ang magsilbing halimbawa para sa iba pang mga opisyal ng gobyerno at mga mayayamang Pinoy.

Kung makikita nila kayong simple ay magsisilbi kayong ehemplo sa ibang mga opisyal at nakakaangat na kababayan natin. Mahihiya sila at mas maibubuhos sa mga naghihikahos nating mga kababayan ang kanilang mga sobrang yaman, huwag na natin tawaging nakaw na yaman.

Gayahin man lang ninyo ang inyong anak na si Luli na nakita natin noong Martes sa Greenbelt. Walang yabang, ni hindi mahalata ang mga bodyguard bagama’t dapat namang bantayan talaga. Lalo na ang inyong manugang na si Angela at apo na nakita ko sa Boracay na napakasimple at ni walang VIP treatment kahit sa airport sa Caticlan.

Lahat ng nakakita ay pinupuri sila at kinatutuwa ang kanilang pagiging humble at walang yabang.

Isa pa po, Sir Señor Don JOSE Miguel Arroyo, sa binigay na hospitalidad ng naturang hotel sa inyo, ano kaya ang magiging kapalit. Sa mga high rollers ay umaasa sila na magpapatalo ng malaki sa sugal ang mga yan. Sa inyo kaya ano ang kapalit?

Wala na hong libre alam ninyo yan dahil bukod sa ekonomista si Madam Senyora Donya Gloria ay alam naming attorney at law pa kayo. Ano ho ang magiging kapalit ng lahat ng "kabutihang" binigay sa inyo ng MGM o kung sinuman ang tunay na nagbayad ng kuwarto?

Kayo mga kababayan, ano sa palagay n’yo, dapat ba tanggapin o hindi at naniniwala ba kayo na libre ang naturang bahay na ginamit ng Unang Ginoo. Text lang sa 09272654341.
* * *
Para sa anumang reaksyon, sumulat lang sa nixonkua @yahoo.com o [email protected] o di kaya’y mag text sa 09272654341. Mapapakinggan n’yo rin po ang inyong lingkod sa MATA NG AGILA sa DZEC 1062 mula 6:15 hanggang 8:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

ARAW

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

KAHIT

KAYO

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MIGUEL ARROYO

SIR SE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with