^

PSN Opinyon

AID-SOTF ang nagsaing pero PDEA ang kumain

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAY katwirang maghinanakit ang mga operatiba ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AID-SOTF) sa Camp Crame kay Secretary Anselmo Avenido ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) dahil inagaw na naman ng opisina ng huli ang accomplishment nila. Ang tinutukoy ko mga suki ay ang pagtuklas ng umaabot sa $32 million na drogang "ketamine" sa isang hotel room sa Maynila. Imbes kasi na ang AID-SOTF ang magpa-presscon, eh si Avenido ang nag-press release ng trabaho na hindi naman saklaw ng opisina niya. Kasi nga itong "ketamine" ay hindi sakop ng mandate ng comprehensive dangerous drugs law o R.A. 9165 kaya’t dapat walang say ang PDEA. Pero sa kagustuhang ma-diyaryo siya at masabing may ginagawang trabaho ang opisina niya, aba nang-agaw ng eksena. ’Ika nga, itong AID-SOTF ang nagsaing at ang PDEA naman ang kumain. He-he-he! Ilang beses nang ginawa ’yan ng PDEA sa AID-SOTF kaya’t dapat lang na pumalag na sila, di ba mga suki?

Sa totoo lang, noong Marso 23 pa natuklasan ng AID-SOTF ang "ketamine hydrochloride" sa isang kuwarto sa isang hotel sa Malate. Kaya lang, dahil hindi nga kasali sa listahan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang "ketamine" nag-research muna ang mga bataan ni Dep. Dir. Gen. Ricardo de Leon, kung paano kasuhan ang taong nasa likod ng pag-manufacture ng droga. Maging si PDEA Asst. Sec. Rolando Caisip ay nagsasabing hands-off sila sa isyu dahil hindi naman ito saklaw ng kanilang trabaho. Ganunpaman, nagkasundo ang PDEA at AID-SOTF na aantayin muna ng certification ng Bureau of Foods and Drugs (BFAD) kung ano ang violation dito sa kaso. Ang usapan, sa Lunes pa mag-press conference ang dalawang opisina pero hindi nakatiis si Avenido at Martes pa lang ay nagpapogi na siya sa media. Kaya demoralisado ang taga-AID-SOTF sa ngayon, he-he-he! Nawawala na sa wisyo ang PDEA?

Ang nabanggit na kuwarto pala ay inupahan ng isang Taiwanese sa loob ng 15 araw. Ikalimang araw pa lang, may napuna ang empleyado ng hotel na may umuusok sa loob ng kuwarto at nang kanilang buksan, may nakita silang kaserola na may kumukulong white substance. Doon nadiskubre ang kilu-kilong "ketamine". Nag-report ang chief security ng hotel sa NCRPO at ibinato ang problema sa AID-SOTF. Nakumpiska rin ng AID-SOTF ang dalawang sasakyan at ang isang passport ng Taiwanese national. Sa ngayon, ang dalawang kumag ay pinaghahanap na ng AID-SOTF.

Hindi kaya nahalata ni Presidente Arroyo ang pang-aagaw ng eksena ng PDEA? Noon pa nila ito ginagawa kaya lang, hindi na nakuhang magreklamo ng taga-AID-SOTF dahil under lang sila nito. Kaya lang, kung panay naman ang pang-aagaw ng accomplishment ang gagawin ng PDEA, eh bakit kumakapit pa sa puwesto si Avenido? Kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang trabaho, aba dapat magpahinga na siya, di ba mga suki? Kung sabagay, sinabi ng mga kausap ko sa WPD na magaling sa papel si Avenido pero sa operations mukhang may semplang siya.

vuukle comment

AID

AVENIDO

CAMP CRAME

DRUGS BOARD

KAYA

LANG

PDEA

SOTF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with