^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Hanggang kailan magtitiis?

-
PATULOY ang nadaramang paghihirap at wala nang katapusan ang pagtitiis. Ang paghihigpit ng sinturon ay bahagi na ng buhay ng mga salat ang pamumuhay. Mas mahirap sapagkat sagad na ang paghihigpit. Ang nakadidismaya, habang marami ang naghihigpit ng sinturon, marami naman ang nagtatapon ng pera. Kagaya na lamang ng isang maimpluwensiyang tao na tumuloy sa hotel sa Las Vegas na ang bayad isang gabi ay $20,000 na ang katumbas ay P1 milyon. Hanep! Marami nang magagawa ang halagang iyan sa mahihirap.

Hanggang kailan magtitiis sa nararanasang kahirapan ng buhay? Mahirap sagutin sapagkat habang nagdaraan ang panahon patindi nang patindi ang nararanasang kahirapan. Patuloy ang pagtaas ng mga bilihin. Ang kakarampot na suweldo ng mga manggagawa ay hindi na magkasya. Hindi pa man sumasapit ang araw ng suweldo, naipangutang na ito. Kapit na sa patalim ang nangyayari ngayon. Totoong ang mga mayayaman lamang ang nakadarama ng sarap sa kasalukuyan sapagkat marami silang pera. Ang mahirap ay lalo pang naghihirap.

Isa sa mga dahilan nang paghihirap na nararanasan ngayon ay ang walang patumanggang pagtaas ng petroleum products na kinabibilangan ng gasoline, diesel at liquefied petroleum gas (LPG). Kabuntot ng pagtaas ng petroleum products ang paglobo naman ng mga pangunahing bilihin at ang pamasahe. Nitong nakaraang Marso, limang beses nagtaas ng presyo ang mga kompanya ng langis at siyempre nagtaasan din ang mga bilihin. Tumaas ang presyo ng isda, karne, asukal, bigas at iba pa. Ngayong Abril, inaasahan na ng mamamayan na tataas muli ang produktong petrolyo. Sa dalas nang pagtaas, maiiwan nang husto ang suweldo ng kawawang mamamayan.

Ang walang patlang na pagtaas ng petroleum products ay hindi raw kontrolado ng gobyerno sabi ng bagong upong Energy secretary. Para na rin niyang sinabi na walang silbi ang mga nakaupong opisyal ng gobyerno at hindi makagawa nang epektibong solusyon para mabawasan ang dalahin ng naghihirap na mamamayan. Discounts sa mga gasolinahan para sa mga public utility vehicle ang kanilang ipinagyayabang na hindi rin naman sapat para makagaan sa pasanin. Kahit na bigyan ng discount ipipilit pa rin ng mga operator ng bus at jeepneys ang pagtataas ng pasahe.

Walang silbi ang oil deregulation law na sa halip na bumaba ang presyo sa pamamagitan ng pagkukumpetensiya ng mga oil players ay lalo pang naging sagad-sagaran ang pagtataas.

Hanggang kailan ang pagtitiis? Mahirap sagutin.

HANEP

HANGGANG

ISA

KABUNTOT

KAGAYA

LAS VEGAS

MAHIRAP

NANG

NGAYONG ABRIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with