^

PSN Opinyon

Tiyak na bagay

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
MAY-ARI si Donya Consuelo ng isang lupa na hinati niya sa apat na lote (A, B, C, D). Ipinagbili niya sa gobyerno ng siyudad ang lot C at D at ang anumang bahagi ng kanyang lupang kakailanganin ng siyudad para sa pwesto ng munisipyo at mga kalye at liwasan ayon sa umiiral na plano. Makaraan ang anim na taon, pinagbili niya kay Manuel ang natitirang bahagi pa ng kanyang lote na tinukoy sa kasulatan ng bilihan na "yung bahagi lang na hindi pa saklaw ng unang bilihan". Dahil nga tinukoy lang ng unang bilihan ang lot C at D, inakala ni Manuel na ang nabili niya ay ang lot A at D. Ngunit lumabas na pati pala lot B ay inokupahan na ng gobyerno. Kaya dinemanda ni Manuel ang gobyerno upang bawiin ang lot B o ang halaga nito. Tama ba ang demanda ni Manuel?

HINDI PO.
Bagamat ang kontrata ni Donya Consuelo sa gobyerno ay tinukoy lang ang lot C at D, malinaw na pinahihiwatig dito na ang lot B ay kasama rin dahil sa probisyon ng kontratang nagsasaad na "anumang bahaging kinakailangan para sa pwesto ng munisipyo, mga kalye at liwasan ayon sa umiiral na plano." Ang nasabing probisyon ay tiyak na tinukoy kung ano ang pinagbili ni Donya Consuelo sa gobyerno. Sapat na ito upang maging balido ang unang kontrata ng bilihan. Ang pinagbili ni Donya Consuelo ay matitiyak batay sa planong umiiral sa pagbuo ng munisipyo. Dapat sinuri muna ni Manuel ang nasabing plano upang matiyak niya kung ano nga ang binili niyang lupa. (Melliza vs. Iloilo, 23 SCRA 477)

BAGAMAT

DAHIL

DAPAT

DONYA CONSUELO

ILOILO

IPINAGBILI

KAYA

LOT

MAKARAAN

MANUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with