MIAA ready sa IPU delegates
March 31, 2005 | 12:00am
NAKAHANDA ang pamunuan ng Manila International Airport Authority sa mga delegado ng Inter-Parliamentary Union na dumarating ngayon sa NAIA.
Lahat ng security measures todits ay pinaigting ng mga tauhan ni MIAA general manager Al Cusi kasama siyempre ang mga kapulisan ni PNP-Aviation Security Group Chief Supt. Andy Caro II para bigyan ng proteksyon ang mga delegates habang inside the airport.
Hindi na puwedeng mapahiya ang NAIA sa mga banyagang dumarating sa paliparan dahil ang mga kubeta ngayon todits ay saksakan ng bango. Ika nga, newly renovated!
Maganda ang arrival area ng Terminal 1 ng paliparan kahit na luma na ang nasabing lugar. Pinaayos ito ni Cusi hindi para sa mga delegates ng IPU kundi sa lahat ng pasaherong dumarating ng Pinas. Bago rin ang rubberized flooring kaya napakaaliwalas ng arrival zone.
Mga permanent emplyoyees na lamang ang amoy lumot sa airport pero naggagandahan at makikisig sila. Sabi nga, nadala sa damit.
Mula sa pagpasok sa paliparan ay mararanasan na ang higpit ng seguridad hanggang sa pagdating ng mga sasakyan sa checkpoint kaya naman humihingi ng despensa si Cusi sa mga taong pumupunta rito.
Kailangan kasi ng rigid inspection para bigyan ng proteksiyon ang mga dumarating nating mga kababayan at mga banyaga.
Hindi rin nagpapabaya ang grupo ni General Angel Atutubo (ret.), MIAA Assistant General Manager for Security and Emergency Service at Col. Frankie Dino sa kani-kanilang mga hotraba.
Sabi nga, ang maagap ay hindi puwedeng salisihan nang pakaang-kaang.
Kaya naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi kayang salisihan ng mga terorista o mga kamoteng gustong maghasik ng lagim sa paliparan para sirain ang gobyerno sa panglabas.
"Kamote, tiyak bang hindi makakaporma diyan ang terorista?" tanong ng kuwagong MILF.
"Sigurado dahil sa tindi ng seguridad todits," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Bakit sa Tate nadale sila ng mga terorista!" anang kuwagong Kotong cop.
"Ang tawag diyan salisi dahil may nakurap ang mga kurap."
"Sa Pinas ba walang kurap?" tanong ng kuwagong retired Boy Scout.
"Diyan tayo natatawa dahil mas alam mo iyan," anang kuwagong urot na nagkakamot ng kanyang ulo.
"Meron ba?"
"Iyan ang itanong mo sa mga kurap, kamote!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest