^

PSN Opinyon

Tama lang na papurihan si Razon

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MATAPOS masungkit ang kanyang pangatlong estrelya, tatlong malalaking pagsubok kaagad ang ibinato ni Presidente Arroyo kay NCRPO chief Deputy Director General Avelino Razon Jr. Ang tinutukoy ko mga suki ay ang security measures sa Holy Week, sa 41st founding anniversary ng New People’s Army (NPA) at sa Inter-Parliamentary Union (IPU) na dadaluhan ng mga delegado ng umaabot sa 145 bansa sa buong mundo. Ang Holy Week at NPA anniversary ay naipasa na with flying colors ng liderato ni Razon kaya ang IPU na lang na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City mula Abril 3 to 8 ang aatupagin niya. Pero sa tingin ko, kahit nananatili ang banta ng Abu Sayyaf na maghasik ng bombing run dito sa Kamaynilaan nitong darating na mga araw, handa na ang kapulisan sa ilalim ni Razon na harapin ang seguridad ng Metro Manila. Kaya tama lang ang panawagan ni Razon sa publiko na patuloy lang nilang gampanan ang day-to-day activities nila dahil on top of the situation ang 17,000 personnel ng NCRPO natin para panatilihin ang katahimikan sa Kamaynilaan nga. Sana magdilang-angel si Razon dahil alam naman natin na ang mga Abu Sayyaf ay halang ang kaluluwa at hindi marunong maawa.

Tama lang na papurihan ni Razon ang kanyang staff, support units, district directors, station commanders, chiefs of police at precinct commanders sa dedikasyon nila sa trabaho noong Holy Week at NPA anniversary. Maliban sa insidente ng pagkatuklas ng home-made bomb sa Act Tower sa Makati City, wala nang naitala ang pulisya na bahid ng kaguluhan sa dalawang okasyon. Kung ibinaba man ni Razon ng isang araw ang full alert ng kapulisan natin para magpahinga sila, aba naibalik naman niya ito sa tamang oras sa founding anniversary ng NPA kahapon. ’Ika nga, on their toes palagi ang NCRPO sa panawagang kaguluhan ng mga kalaban ng gobyerno at hindi naman sila sumemplang, di ba mga suki? May pruweba na ang NCRPO kaya masasabi nating makakatulog nang mahimbing na ang Metro Manilas dahil alam nilang pangangalagaan ng kapulisan sa liderado ni Razon ang kapakanan nila. He-he-he!

Halatado na bang binubuhat ko ang bangko ni Razon, ha mga suki? Pero teka nga muna. Batiin ko lang ang bagong promote na si Chief Supt. Eric Javier ang chief of directorial staff ng NCRPO.

Matapos manumpa sa Camp Crame noong Lunes, binigyan ni Razon ng arrival honors si Javier sa Camp Bagong Diwa sa Taguig. Si Javier ang kauna-unahang West Point graduate sa hanay ng kapulisan natin na naging heneral. Miyembro rin siya ng PMA Class ’77. He-he-he! Kasi nga, dalawa lang naman ang opisyal ng PNP natin na graduate ng West Point sa US. Ang isa pa ay si Supt. Napoleon Taas, ang intelligence chief ng NCRPO, na napabilang naman sa Class ’84. Kaya ko binabanggit itong sina Javier at Taas dahil malaking papel ang ginampanan nila para maging matagumpay ang liderato ni Razon, di ba mga suki?

Ang security sa IPU, aba malaki rin ang papel na gagampanan nina Javier at Taas lalo na ang kaibigan kong si Supt. Moro Lorenzo, ang operations chief naman ng NCRPO. Ayon kay Lorenzo, may 145 bansa na ang nagkumpirma ng pagdating ng kanilang delegado sa bansa. Huwag kumurap!

ABU SAYYAF

ACT TOWER

ANG HOLY WEEK

CAMP BAGONG DIWA

CAMP CRAME

HOLY WEEK

JAVIER

RAZON

WEST POINT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with