Tugon ng STI Las Piñas
March 30, 2005 | 12:00am
BIBIGYAN ko ng espasyo sa kolum na to ang kasagutan ng management daw nitong Science and Technology Institute (STI). Itoy kanilang tugon sa aking naisulat sa aking kolum sa pahayagang PM na lumabas nung Marso 22, ng taong ito.
At dahil sa problemang teknikal, muli itong nailathala nung Lunes sa kolum na to sa pahayagang Pilipino Star NGAYON (PSN) na may pamagat, "Sa pamunuan ng STI-Las Piñas, basahin nyo ito!"
Sa pamamagitan din ng e-mail at text sa aming hotline, sangkaterbang paliwanag ang ipinaabot sa kolum na to ng nagpakilalang representative raw ng STI management.
Nanggagalaiti sa galit at halos maipot sa salawal ang hunghang na nag-text sa amin. Ito ang kanyang text; "p ..g ina mo, Ben Tulfo, hwag mong subukang banggain kaming taga STI Las Piñas, baka sa imburnal ka damputin ng mga kapatid mo. Matapang lang kayo sa diyaryo at radyo .! (0910) 2014501.
Gusto kong linawin sa nag-text, hindi estilo ng kolum na to ang bumangga kung kaninong "Herodes" o "Poncio Pilato." Ang mga reklamong naisusulat dito ay mula sa mga lehitimong reklamo ni "Juan de la Cruz".
At gusto ko ring linawin sa nag-text, hindi pinagyayabang ang katapangan. Dahil ang tunay na tapang, ginagamit sa tamang pagkakataon. Lalo na kapag ang kaharap isang tulad mo, nagtatago sa yung lawlaw na karsonsilyo.
Samantala sa ipinadalang "e-mail" detalyadong ipinaliwanag ng management ang kanilang panig.
Mula sa reklamo hinggil sa isyu ng sapilitang pagbabayad sa field trip, recollection/retreat hanggang sa pasilidad ng kanilang paaralan, isa-isa itong tinugunan ng opisyal daw ng naturang paaralan.
"with due respect to you, Sir Tulfo, we wish to inform you that maybe there is just miscommunication between the concerned students and us."
"as for the "concerned" students, our apologies if ever there are miscommunications or lapses on our part. But your concerns would have been resolved earlier had you asked for a meeting with the management."
Ito ang bahagi ng paliwanag ng management ng STI sa kanilang "e-mail"..
Sa panig ng BAHALA SI TULFO, hindi kami basta napapaniwala sa paliwanag. Pagbabago at aksiyon sa reklamo ang aming hinihintay. Sa madaling salita, GAWA hindi NGAWA!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended