Ayon sa kanila, hindi pa man daw nagsisimula ang Mahal na Araw ay sobrang penitensiya na ang kanilang nararanasan sa STI Las Piñas.
Dahil dito, kinakalampag namin ang naghihingalong main office ng Science and Technology Institute. Inaasahan namin ang inyong magiging tugon at solusyon sa reklamong ito.
Sir Tulfo, kamiy concerned students lang po. Gusto sana naming ireklamo sa inyo ang mga di kanais- nais na nangyayari sa aming paaralan, STI Las Piñas. Ang Educational Field Trip (P700) ay compulsary at kung di ka makakasama, di ka makakakuha ng major exams at ang retreat na applicable daw sa lahat ng levels na pag di ka sumama ay magbabayad ka pa rin ng kalahati. Ang aming Physics II Professor ay pinagbabayad kami ng P100 para sa kagamitan ng aming practical exam. Ngunit nakapagtatakang iisang set lang naman ng mga materials ang ginagamit sa lahat ng section at madalas ay pinagpo-provide niya rin kami ng sariling gamit, lagi kaming napagbibintangang nagbubulakbol ng aming mga magulang dahil late ang submission of grades sa registrar at palaging mali ang assessment sa aming mga bayarin, sa aming computer subjects ay "first come first serve" ang sistema. Kaya sorry na lang sa iba dahil wala nang computer na gagamitin, karamihan pa sa mga computers na ito ay sira ang mouse, keyboard, CPU at monitor at Windows 98 pa rin ang gamit namin na dapat ay Windows XP na. Sa facilities ay marami ring diperensiya.
Naway mabigyan ng aksiyon ang aming mga reklamo, matulungan nyo po sana kami Sir bago magpasukan ulit next sem. Kaya nga po dito kami nag-aral dahil sa maganda ang kanilang ads pero wala naman pala talagang silbi. We want the truth for our good sake dahil kawawa naman po ang nagpapaaral sa amin
Tsk-tsk-sk! At isa pang tsk! Maikli pa ang sulat na ito kung tutuusin, ilan lang to sa mga reklamong ipinadala sa BAHALA SI TULFO, meron pa rin naman kaming human nature kaya bibigyan pa namin ng mukha ang inyong pamunuan.
Paalala lang, hindi ninyo magugustuhan kapag pinakialaman ng BAHALA SI TULFO ang problemang ito.
Baka hindi lang mabawasan ang mga estudyanteng nagtitiwala sa inyo, baka nga, wag naman sana, wala nang maniwa- la sa mga pautot nyo.
Kaya nga, kumilos na ang dapat kumilos, bago pa tuluyang mahulog ang inyong mga kapabayaan sa aming patibong!