Pangalagaan ang mga baybay dagat

ANG Pilipinas ay isa sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamahabang baybay dagat (36,000 kilometro mula dulo ng Luzon hanggang dulo ng Mindanao). Kaya dapat lang na ating pangalagaan ang ating coastlines bilang unang panangga laban sa bagyo at iba pang kalamidad na dumarating sa bansa.

Pinagtibay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga programa upang makuha ang benepisyong pang-ekonomiya at pang-ekolohiya ng coastal at marine areas ng bansa. Sangkot dito ang konstruksiyon at rehabilitation ng foreshore areas, mangroves o bakawan, coral reefs, sca grass, fisheries at watershed.

Pinangungunahan din ng departamento ang pagsasagawa ng pagbawas ng polusyon sa mga baybayin sa pamamagitan ng paglilinis sa mga karagatan sa buong bansa. Kabilang na rito ang pagbibigay ng sapat na impormasyon at kaalaman sa mga naninirahan sa mga baybayin at mga stakeholders tungkol sa kahalagahan ng marine at mangrove areas.

Ayon sa Coastal and Marine Management Office ng DENR, umabot sa 114 ektarya nang nasirang bakawanan ang na-rehabilitate noong 2004. Nagpapakita ito ng may 58.77 porsiyento na pagbabago sa may 67 ektarya na nagawang rehabilitahin noong 2003.

Muli, dito pumapasok ang malaking magagawa ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng coastal resources management. At upang maisakatuparan ito, ang DENR ay nagbibigay ng tulong teknikal sa may 33 LGUs sa pagsasa-gawa ng Participa- tory Coastal Resource Assessment (PCRA). Nagsagawa rin ang aming departamento ng pagpapanatili at pagtatamasa sa may 349 municipal coastal databases (MCD) upang tulungan ang mga LGUs na pamahalaan ang mga baybaying pinagkukunan ng kabuhayan.

Show comments