^

PSN Opinyon

May kalalagyan na si Dr. Agbayani ng P. Burgos

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MUKHANG may kalalagyan na si Dr. Estrella Agbayani, principal ng P. Burgos Elem. School sa Altura St., Sta. Mesa, Manila. Noong Lunes pala, dumating sina Dr. Menguito at Dr. Lim mga assistant division superintendent’s para arukin ang pag-aaklas ng mga teachers laban kay Agbayani nga. Tinipon ng dalawang opisyales ng Department of Education (DepEd) ang mahigit 170 na mga guro sa gym ng eskuwelahan kung saan kinuha ang panig ng mga teachers ukol sa namamayaning sigalot doon. Naitsapuwera sa usapan si Agbayani, ayon sa kausap nating titser. Ito palang sina Menguito at Lim ay mga sugo ni Ma. Luisa Quinones, ang school division superintendent ng Maynila, he-he-he! Ang bagal mong kumilos Ma’m Quinones!

Inutusan nina Menguito at Lim ang mga teachers na isulat sa kapirasong papel ang honest to goodness prevailing working condition sa eskuwelahan at ang solution sa problema nila to strengthen teacher-to-teacher and teacher to principal relationship. Ipinaliwanag ng dala- wang DepEd opisyal na hindi na kailangang isulat ng mga teachers ang kanilang pangalan. Para hindi rin sila maagrabyado at ma-harass ni Agbayani, puede din nilang ibahin ang kanilang penmanship. Mahigit isang oras ang ibinigay ng dalawang opisyal sa mga guro para isulat nila ang kanilang kasagutan sa dalawang tanong. Nasa kamay na nina Menguito at Lim ang mga papel nang umalis sila matapos ang misyon nila, he-he-he! Sa mga papel na ‘yaon mahuhusgahan itong si Agbayani, di ba mga suki.

Sa tingin naman ng mga kausap kong titser, hindi mapakali si Agbayani matapos umalis ang dalawang DepEd officials. Siguro para maarok niya ang hinaharap niya sa puwesto niya, hindi napigil ni Agbayani na ipatawag ang mga teachers sa Grade III at IV at tanungin sila kung ano ang isinulat nilang kasagutan sa mga tanong na ibinato sa kanila, he-he-he! Tiyak nagkabolahan sila sa panahon na ’yaon.

Ang tanong naman ng mga teachers sa P. Burgos, magkakaroon kaya sila ng hustisya sa kamay ni Quinones? Alam kasi nila na itong si Quinones at ang driver niyang si Johnny na janitor ng P. Burgos ay doon mismo sa eskuwelahan nagkikita bago ihatid ito sa opisina ng una. Ika nga sa sugal may alas din itong si Agbayani kay Quinones na hindi basta-basta mabaon lamang sa limot. Sa Martes na ang graduation sa P. Burgos kaya’t maaaring hindi na natin masilayan ang mga kasagutan sa mga agam-agam ng mga teachers. Pero titiyakin ko na babalikan ang problemang ito sa susunod na taon. Dapat magbayad ang may pagkakautang, di ba mga suki?

Sa ngayon, kinakailangan ni Agbayani ang halos kalahati ng mga teachers sa piling niya. Kaya’t noong nakaraang recognition day ng eskuwelahan ng nakaraang Biyernes (Marso 18), umulan ng medalyang ginto sa hanay ng mga teachers. Pero kung tuwang-tuwa ang mga teachers at ginantimpalaan ang mga paghihirap nila, nalulungkot naman sina Eleonor Pan at Espie Mayuga dahil hindi nila nasilayan ang mga medalya. Ang dahilan? Miyembro pala ng Board of Directors ng cooperative sina Pan at Mayuga. Ano ba ’yan? Wala bang katapusan ang problemang ito sa P. Burgos? Bakit nangolekta ng P250 ang eskuwelahan sa mga graduate sa kindergarten? Ang gulo n’yo talaga! Abangan!

AGBAYANI

ALTURA ST.

BOARD OF DIRECTORS

BURGOS

BURGOS ELEM

DEPARTMENT OF EDUCATION

DR. ESTRELLA AGBAYANI

MENGUITO

TEACHERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with