^

PSN Opinyon

Dinaya raw si Manny

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MARAMI ang usap-usapan sa pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Erik Morales. Dinaya raw. May nagsasabing nakipagsabwatan daw ang kampo ni Manny para ipatalo ito. Marami pang mga kalokohang kuru-kuro ang naririnig.

Ako, kahit na hindi eksperto sa larong boksing ay marunong umintindi kung sino ang nakalalamang at kung sino ang dehado. Sa laban nina Manny at Morales, dikit ang labanan ng dalawa. May rounds na nakalamang si Manny at ganoon din si Morales. Mabilis magbitiw ng suntok si Manny samantalang si Morales ay kalkulado at aral ang mga suntok.

Talagang nanalo si Morales. Ibang-iba ang mga suntok at kilos ni Manny sa labang ito kung ikukumpara sa mga laban niya kay Marquez at kay Barrera. Walang kalatuy-latoy ang mga naunang rounds ni Manny kay Morales.

Dahil walang maliwanag na basehan, mahirap maiparatang na sinadya ni Morales na uluhin si Manny na ikinaputok ng kanyang kilay. Sa tingin ko, aksidente ito. Malimit nangyayari ang headbutt sa boksing.

Itigil na ang usapan para idepensa ang pagkatalo ni Manny. Tutal naman tinanggap na ni Manny ang pagkatalo. Totoo, masakit ang matalo ngunit talagang ganito sa laro, may nananalo at natatalo. Naniniwala ako na patuloy na aani ng tagumpay si Manny at magbibigay pa ng karangalan sa bansa.

vuukle comment

DAHIL

DINAYA

ERIK MORALES

IBANG

ITIGIL

MABILIS

MALIMIT

MANNY

MORALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with