Ipinamalas din niya ito bago mag-last super. Kumuha siya ng palangganang may tubig at isa-isa niyang hinugasan ang mga paa ng kanyang mga alagad. Noong una ay ayaw ni Pedro na hugasan siya ngunit sinabi sa kanya ni Jesus na kapag sumuway siya hindi niya kapanalig at bahagi ng espiritu. Sinabi ni Pedro na hindi lang ang kanyang mga paa pati ang kanyang ulo at mga kamay ang hugasan. Sinabi ni Jesus na sapat nang hugasan ang mga paa at malinis na ang buong katawan ngunit hindi lahat sa kanila ay malinis dahil isa sa kanila ang sa kanya ay magkakanulo. Siyay si Judas.
Matapos ang Huling Hapunan, nanalangin si Jesus sa hardin ng Gethsemane kasama niya ang kanyang mga alagad na nagsitulog lahat. Kaya sinabi ni Jesus Gusto ng espiritu ngunit mahina ang laman. Habang nananalangin pinagpawisan siya ng dugo. Dumating si Judas na kasama ang mga dadakip sa kanya. Sa pamamagitan ng halik ni Judas ay sinunggaban nila si Jesus at dito nagsimula ang kanyang kalbaryo.