SA NGALAN NG ISANG BALANSE AT PATAS NA PAMAMAHAYAG, NARITO ANG KANYANG PAHAYAG.
"Lubha ang kalungkutan ng pamilya Joaquin sa kaganapan kamakailan lang nang ang isa sa mga kapatid ni Congresswoman Uliran Joaquin, ay sinasabing nahulihan ng droga sa sarili niyang tahanan sa San Vicente, San Pedro, Laguna.
Congresswoman Joaquin, kasama na rito ang mga political lame ducks na hanggang sa ngayon ay hindi matanggap ang katotohanang ang kanilang pinagsanib na pwersa at buktot na black propaganda sa tatlong nakaraang halalan, ay hindi nakayang talunin ang kauna-unahang lady solon ng Laguna. Lahat sila ay kumain ng alikabok at pinulot sa kangkungan.
Nalungkot naman ang mabubuting mamamayan ng Unang Distrito na batid ang mabuting katauhan at mabungang gawain ni Congresswoman Joaquin, sa lahat ng tangkang isangkot ang kanyang marangal na pangalan sa isang masamang gawain. Malinaw pa sa sinag ng araw ang katotohanan na si Congresswoman Uliran Joaquin ay tangi at mahal na mamamayan ng distrito. Patunay nito ang daan libo niyang kalamangan sa lahat ng kanyang kalaban. Hindi kailanman nabatikan ng panlalamang o katiwalian ang kanyang panunungkulan. Samantalang ang kanyang katunggali ay nababatikan ng di mabilang na mga corruption suits at kaso sa landgrabbing.
Sa lahat ng pagkakataon ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pananagutan at sagutin sa batas ng Diyos at sa batas ng tao. Ang kasalanan ni Pedro ay hindi kasalanan ni Juan. Tayo kailanman ay hindi maaaring mamili ng ating kamag-anak. Ito ay nakatakda mula pa sa ating pagsilang. Tanging si Sumilang Letun lamang ang may pananagutan sa kanyang sariling gawain at hindi dapat idamay ang kanyang mga kapatid o kamag-anak.
Ang mabilis at walang sagabal na pagpasok at paggalaw ng mga alagad ng PDEA sa tahanan ni Sumilang Letun ay patunay lamang na ang Tee Compound ay bukas sa lahat ng nagnanais dumalaw sa mga naninirahan dito kasama na si kinatawan Joaquin. Sa dami ng gawain at pinagkakaabalahan ni Congwn Joaquin bilang kinatawan at lider sibiko, kakaunting panahon lamang ang kanyang inilalagi sa kanyang tahanan sa Tee Compound kayat hindi dapat asahan ng kanyang mga kritiko at magagaling na tao na malaman niya ang lahat ng galaw at kaganapan sa loob ng isang malaking compound. Ang surveilance, monitoring at paghuli sa mga criminal elements ay gawain ng pulisya at hindi ng isang mambabatas. May sariling gawain at tungkulin ang isang mambabatas gayun din naman ang pulisya. Hindi kailanman nanghimasok o naging sagabal si Congresswoman Joaquin sa legal na gawain ng pulisya.
Sa usapin ng kasamaan ng droga, consistent si Congwn. Joaquin sa kanyang paninindigan. Malinaw sa record ng Mababang Kapulungan na sa lahat ng mga panukalang batas tungkol dito, madiin at matatag ang pagsangayon niya sa ibayong parusa at malawakang paggalaw laban sa droga.
Sapagkat si Gng. Letun ay nasa kamay na ng awtoridad, hiling ni Congwn. Joaquin na hayaan ang gulong ng hustisya ay lumakad at bigyan ang sinasabing akusado ng kanyang sa korte. Hindi kailanman papayagan ng mabuting kinatawan na gamitin ang kanyang pangalan o kanyang tanggapan para pagtakpan ang isang mali o iligtas ang nagkasala. Matatag ang paninindigan ni Congwn. Joaquin: "Hayaang ipataw ang takdang kaparusahan sa nagkasala sa batas." Hindi kailanman kukunsintihin ng pamilya Joaquin ang anumang kamalian at kabuktukan gagawin laban sa kapakanan at kabutihan ng pamayanan."
Sa isang EXCLUSIVE na panayam sa isang tao na malapit sa pamilya Joaquin, napag-alaman natin na tanging si Baby Tsina ang "naligaw ng landas" sa mga magkakapatid na puros mga professional at kapakipakinabang sa lipunan.
Si Lily ay may PhD sa Mathematics at professor sa University of the Philippines. Si Diwa naman ay graduate ng Commerce sa University of the East. May-ari ito ng mga bakeries at supplier ng bakery products. Si Sinag ay dating Executive Secretary ng mga Lopezes sa Meralco. Si Aliw ay professor sa isang College sa Alabang. Si Elizabeth ay may-ari ng mga Pawnshops sa Muntilupa hanggang Laguna. Si Tagumpay ay President and General Manager ng SUTADEL Incorporated.
"The family of Congresswoman Uliran laments the kind of life Sumilang (Baby Tsina) has chosen. She is acknowledged to be the BLACK SHEEP of the family. Sino ba sa atin ang walang kamag-anak na hindi nalihis ang takbo ng buhay? Nag-iiba na lamang marahil sa degree ng pagkaligaw ng isang tao. Kahit itapon pa yan sa malayong lugar o ilubog sa kumukulong putik, hindi mo matatakasan ang katotohanan na anak din siya ng mga magulang mo," mariing sinabi ng ating kausap na si Troy.
Kung ganito nga ang sitwasyon, bakit luminya itong si Baby Tsina sa illegal na droga? Ipinaliwanag sa akin na itong si Baby Tsina ang pinakamatandang anak ng pamilya Tee. Sa kagustuhan makatulong sa magulang hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
"Tumulong yan si Sumilang (Baby Tsina) sa negosyo ng kanilang magulang sa pagbebenta ng ARGO, yung kilalang sabon nung araw. Palibhasa panganay at marami silang magkakapatid, ang pagtulong sa magulang ang binigyan niya ng pansin. Nakapangasawa naman nito ay isang sugarol, mahilig magsabong at mag-alaga ng manok. Dito na natuto ng sari-saring bisyo si Tsina," ayon kay Troy.
Isang katanungan ang agad kong ibinato kay Troy.
Maganda ang katayuan ng ibang mga kapatid ni Baby Tsina. Bakit hindi na lamang siya humingi ng tulong sa kanila sa halip na luminya sa illegal na droga?"
"A wrong sense of pride... This was her undoing. Ito ang nagpahamak sa kanya. Ayaw niyang umasa sa mga kapatid eh, hindi naman siya nakatapos ng pag-aaral, kaya maling diskarte ang mga ginawa," huling paliwanag ni Troy.
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN TUMAWAG SA 7788442.