^

PSN Opinyon

Hindi puwede ang ‘puwede na ‘yan’

SAPOL - Jarius Bondoc -
ANANG mga eksperto, sa trabaho dalawang uri ang tao. May matiyagang sinusuri muna ang dapat gawin, saka ito inaasikaso ng lubos, miski paulit-ulit o nakakabagot. Perfectionist sila. At meron namang tumatahak sa path of least resistance, hinahanap ang shortcut, pabaya at maraming palusot. Sa kanila, miski pawarde-wardeng trabaho, "puwede na ‘yan."

Mainam katrabaho ang una. Iaangat ka sa teamwork, at kapwa kayo kagigiliwan ng boss. Kung perfectionist si boss, mapapagaya ka at marami ang matututuhan. Kung perfectionist ang subordinate, kampante kang tama ang gawa, kaya madalas umentuhan sa tuwa.

Mahirap kasama ang ikalawa. Ipapahamak ang buong team sa boss. Kung pabaya si boss, lubog ang kompanya. Kung pabaya ang subordinate, nanganganib ang kaligtasan at buhay mo.

Ang puwede-na-’yan attitude ay sumisira sa maraming produkto. May diyaryong puro mali ang balita at spelling dahil sa pabayang editor o proofreader. May kotseng lemon dahil dumaan sa pabayang mekaniko. May bahay na puro leaks ang plumbing o shorted ang electricals o bakbak ang pintura dahil sa pabayang tubero o electrician o pintor.

Laganap ang puwede-na-’yan atitude sa burokrasya. Katuwiran nila, dahil daw mababa ang sahod o morale. Ayon sa iba, dahil sa kawalan ng merito sanhi ng civil service security of tenure. Para sa akin, depende lahat sa kinalakiha’t kinagawian ng indibidwal, kung mahal niya ang ginagawa ano man ang sahod at puwesto. Kaya nga may nahihirang na outstanding civil servants: Public school teachers, pulis, sundalo o kawani.

Sa pagpapabaya nagkaka-blackout sa Napocor, nade-derail ang tren ng PNR, nakakalusot ang dapat buwisan ng BIR at Customs. Sa pabayang safety inspector lumubog ang ferry sa Pasig, kaya dalawang magkapatid ang nalunod. Sa pabayang health officer nakalusot ang nalasong maruya, kaya 27 bata ang namatay sa Bohol. Tiyak ko, sa palakad ng Camp Bagong Diwa jail, "puwede na ‘yan" ang sabi-sabi sa pabayang trato sa Abu Sayyaf detainees. Naku, buhay nila at ng iba pa ang naging kapalit.

ABU SAYYAF

AYON

BOHOL

CAMP BAGONG DIWA

IAANGAT

IPAPAHAMAK

KATUWIRAN

KAYA

LAGANAP

MAHIRAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with