^

PSN Opinyon

Nasaan ang puso n'yo Dr. Agbayani at Mrs. Nakpil ng P. Burgos?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
SA pagtatapos ng mga Grade 6 pupils ng P. Burgos Elementary sa Sta. Mesa, Manila sa taon na ito, walang ni isa man lang sa kanila ang matatawag nating computer literate. Bakit? Kasi nga, binuwag ng principal na si Dr. Estrella Agbayani ang computer class ng eskuwelahan ng dumating siya roon dalawang taon na ang nakaraan. Ang dahilan? Ang titser ng computer class na si Edgar Flores ay miyembro ng Board of Directors ng kooperatiba na namamahala ng school canteen na ugat ng awayan ng grupo ng BOD at ni Agbayani nga. Sa pagsibak niya kay Flores, sinabi ni Agbayani sa titser na itsa-puwera muna siya sa computer class dahil matagal na niyang tinatamasa ang lamig ng air-con na kuwarto. Pero naghanap din ng titser itong si Agbayani bilang pamalit, pero walang ni isa man sa P. Burgos ang gustong lumipat doon dahli si Flores lang ang may sapat na kaalaman ukol dito. Ang resulta? Naiwang nakatiwangwang ang computer classroom at naging bopol ang mga estud- yante sa computer nga, he-he-he! Di ba ang computer technology na ang in-demand sa ngayon? Imbes na advancement sa teknolohiya, eh mukhang paurong ang itinuturo sa P. Burgos sa ilalim ng liderato ni Agbayani dahil sa pera, di ba mga suki?

Napag-alaman ko na mula 1995 pa pala nagtuturo ng computer subject si Flores sa P. Burgos. Nakapag-organize ng 10 classes kaya’t marami sa mga estudyante ay computer literate. Para sa mga graduating students, ang subject ay tinatawag na basic computer education samantalang ang subject naman na computer aided education ay itinuturo ni Flores sa Grade 1 to 6 pupils. May 34 computers sa ilalim ng pangangalaga ni Flores na nai-donate nina Alfredo Velayo at Washington Sycip ng sikat na Sycip, Gorres and Velayo (SGV) accounting firm na mga graduate ng naturang eskuwelahan, dating Manila Mayor at ngayon Sen. Alfredo Lim, dating Sen. Ernesto Maceda, Rep. Rudy Bacani, dating Rep. Don Don Bagatsing at isang educational firm. Luha at pawis ang ipinuhunan ng mga dating principal ng P. Burgos para mahikayat sina Sycip, Velayo, Lim, Maceda, Bagatsing at Bacani para mag-donate ng computers sa eskuwelahan pero nauwi lang lahat sa wala dahil sa benggador na si Agbayani, di ba mga suki? May konsensiya pa kaya si Agbayani at alipores niyang si Mennie Nakpil? Eh kung sa mga anak nila o kamag-anak gagawin ’yang panggigipit nila, hindi kaya sila magagalit? Saan ang mga puso n’yo, Dr. Agbayani at Mrs. Nakpil Ma’m?

Hindi lang ang computer classes ang nabuwag kundi maging ang tinatawag sa eskuwela na amphitheater na nai-donate naman ng Philips electronics. Ang media resources room ay may isang 31 inches na TV, CD player at component. Dati-rati ginagamit ang mga ito ni Flores sa hi-tech education ng mga estudyante para hindi na magulat sila sa makabagong sistema sa ngayon ng mundo. May dalawang structured air-con ang kuwarto kaya’t malamig ito. Sa ngayon, ang gamit na lang ng kuwarto ay tuwing may meeting si Agbayani at kanyang mga alipores.

Dumating din sa kaalaman ko na nagsagawa sa ngayon ng signature campaign ang kampo nina Agbayani at Nakpil para pasinungalingan ang mga isinulat ko. Siyempre kung ang principal mismo ang nagpapapirma hindi ka susunod? Pero bigyan natin ng puwang ang kasagutan nila at siguraduhin nilang walang butas ito. Teka nga pala, bakit matagal kumilos si Education Secretary Florencio Abad dito sa sigalot sa P. Burgos?

Pulitiko kasi si Abad kaya’t nagbubulag-bulagan at nagbingi-bingihan siya sa problema ng eskuwelahan na maaaring lumala pa sa darating na mga araw. Abangan!

AGBAYANI

ALFREDO LIM

ALFREDO VELAYO

BOARD OF DIRECTORS

BURGOS

BURGOS ELEMENTARY

COMPUTER

DON DON BAGATSING

DR. AGBAYANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with