Ipinahayag ni Dr. Velasco na ang ngipin na hindi naaalagaan ay madaling kapitan ng bakterya kaya ipinapayo niya ang pagsisipilyo ng ngipin sa araw at gabi. Ayon kay Dr. Velasco hindi dapat na bunutin ang ngipin kahit itoy may butas o nasa state of decomposition o pagkabulok.
Ang mga dental clinics ni Dr. Velasco sa Metro Manila ay kumpleto ng modern facilities para maligtas ang sirang ngipin gaya ng prosesong ginagawa nila kay Marcelina Cruz na maraming sirang ngipin na sa halip na bunutin ay pinagtitiyagaan gamutin ni Dr. Velasco at ng kanyang staff of dentist.
Nagsisisi si Alfred Santos kung bakit pinabunot niya ang lahat ng ngipin niya para huwag na raw siyang mahirapan kapag sumasakit ang ngipin niya at siyay naka-pustiso na. Sabi ni Alfred na kahit iyong ibang ngipin niya ay wala namang sira ay pinabunot din niya. Tino-tooth implant siya ngayon ni Dr. Velasco. Matatawagan si Dr. Velasco sa 9134913 at 6459308.