Sa sulat na nakarating sa akin, sinabi ng mga estudyante na sina Jimboy Barte, Jobien Limlingan, Evette Santos, Nikki Mendoza at Nicka Glemao na hindi nila nagustuhan ang pag-transfer ng Journalism class nila sa 4th floor ng HE building dahil the room stinks. Ayon sa mga Grade 6 students malapit ang kuwarto sa toilet, maliit ito at nagsiksikan silang 23 sa klase kayat sobra ang init. We need a better room where we can have quality journalism education, ani Limlingan. Hiniling naman ni Barte na ibalik na lang sila sa 2nd Floor sa Philips room kung saan comfortable sila. Bakit naman inilipat ang Journalism class sa malapit sa toilet? Kasi ang teacher nila na sina Mrs. Pan at Mrs. Mayuga ay miyembro ng Board of Directors ng cooperative, he-he-he! Lumabas din ang tunay na dahilan, no mga suki?
Hindi lang yan. Ang computer center na pinakikinabangan din ng mga estudyante at mga guro ay pinabuwag ni Agbayani dahil ang guro roon ay BOD din ng cooperative. Ang hindi pagpagamit ng school gymnasium sa PE classes dahil ang teacher at sports coordinator ay BOD member din. Ang pagbubuwag din ng pandesalan ng mga batang may kapansanan (special children) dahil pinamamahalaan ito ng dating BOD at opisyal ng coop. Ano ba yan? He-hehe! Parang wala nang ginawang tama si Agbayani ah.
Pinatunayan naman ng mga estudyante na sina Nadine Gayle Janilon, Garlynne Joya Esguerra, Angela Nievera at Adrian Vert Garcia ang collection o fund raising activities ng mga guro sa kanila. Tulad na lang umano ng nakaraang Teachers Day kung saan pinasok ng isang Mrs. Barameda ang kanilang klase at hiningian sila ng pera para pambili ng regalo sa mga guro. Nagbigay ang mga bata ng mula P3 hanggang P8 at tinawag pa sila ni Mrs. Barameda na kuripot.
Ano kaya ang masabi ni Agbayani at Men-nie Nakpil sa mga hinaing na ito ng mga estudyante? Tiyak, sasabihin ni Nakpil na hindi totoo ang bintang laban sa kampo ni Agbayani, he-he-he! Magsisinungaling ba ang mga bata? Abangan!