Students ng P. Burgos apektado sa away nina Dr. Agbayani at coop officials
March 16, 2005 | 12:00am
TUMBOK lang. Ikinakalat ni PO3 Joseph Ferrer alyas Pagong ng CIDG Field Office sa northern Metro Manila na siya na ang opisyal na kolektor ng intelihensiya ng halos lahat ng unit ng CIDG sa area niya. May basbas umano siya ni CIDG director Chief Superintendent Ricardo Dapat. Baka kung saan damputin si Ferrer kapag nakarating kay Dapat na ginagamit niya ang CIDG director sa kanyang ilegal na aktibidades?
Tunghayan naman natin ang mga poems at sulat ng mga estudyante ng P. Burgos Elementary School sa Sta. Mesa, Manila na nagpapatunay na sila ang unang apektado sa patuloy na pag-aaway ng principal nila ni Dr. Estrella Agbayani at mga board of directors ng Multi-Purpose cooperative nila. Sana suriing maigi ni Education Secretary Florencio Abad ang sigalot diyan sa eskuwelahan at parusahan ang dapat parusahan para hindi na muling mangyari pa ang ganitong uri ng problema sa ibat ibang sulok ng bansa. Lumalabas kasi na para parusahan itong mga board of directors ng cooperative, hinaharas sila ni Agbayani sa pamamagitan ng pagtanggal ng teaching load nila o dili kayay pagtapon sa kanila sa mga kuwartong maliliit at mainit at ang mga estudyante ang naiiwang nagdurusa, he-he-he! Usap-usapan na ang Burgos kahit saan ah.
Sa sulat na nakarating sa akin, sinabi ng mga estudyante na sina Jimboy Barte, Jobien Limlingan, Evette Santos, Nikki Mendoza at Nicka Glemao na hindi nila nagustuhan ang pag-transfer ng Journalism class nila sa 4th floor ng HE building dahil the room stinks. Ayon sa mga Grade 6 students malapit ang kuwarto sa toilet, maliit ito at nagsiksikan silang 23 sa klase kayat sobra ang init. We need a better room where we can have quality journalism education, ani Limlingan. Hiniling naman ni Barte na ibalik na lang sila sa 2nd Floor sa Philips room kung saan comfortable sila. Bakit naman inilipat ang Journalism class sa malapit sa toilet? Kasi ang teacher nila na sina Mrs. Pan at Mrs. Mayuga ay miyembro ng Board of Directors ng cooperative, he-he-he! Lumabas din ang tunay na dahilan, no mga suki?
Hindi lang yan. Ang computer center na pinakikinabangan din ng mga estudyante at mga guro ay pinabuwag ni Agbayani dahil ang guro roon ay BOD din ng cooperative. Ang hindi pagpagamit ng school gymnasium sa PE classes dahil ang teacher at sports coordinator ay BOD member din. Ang pagbubuwag din ng pandesalan ng mga batang may kapansanan (special children) dahil pinamamahalaan ito ng dating BOD at opisyal ng coop. Ano ba yan? He-hehe! Parang wala nang ginawang tama si Agbayani ah.
Pinatunayan naman ng mga estudyante na sina Nadine Gayle Janilon, Garlynne Joya Esguerra, Angela Nievera at Adrian Vert Garcia ang collection o fund raising activities ng mga guro sa kanila. Tulad na lang umano ng nakaraang Teachers Day kung saan pinasok ng isang Mrs. Barameda ang kanilang klase at hiningian sila ng pera para pambili ng regalo sa mga guro. Nagbigay ang mga bata ng mula P3 hanggang P8 at tinawag pa sila ni Mrs. Barameda na kuripot.
Ano kaya ang masabi ni Agbayani at Men-nie Nakpil sa mga hinaing na ito ng mga estudyante? Tiyak, sasabihin ni Nakpil na hindi totoo ang bintang laban sa kampo ni Agbayani, he-he-he! Magsisinungaling ba ang mga bata? Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended