^

PSN Opinyon

EDITORYAL - BJMPwe!

-
ANG Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay matagal nang inuuod dahil sa kabulukan subalit nananatili pa ring nakatayo at pinamumunuan ng mga taong walang silbi. Marami nang kontrobersiyal na pangyayari na kinasangkutan ang BJMP sa nakaraan gaya ng pagtakas ng mga bilanggo. Sa Camp Crame jail na lamang ay marami nang nagsitakas na inmates at kabilang diyan si Fathur Rohman Al-Ghozi. Napatay din si Al-Ghozi makaraan ang ilang buwan. Nakatakas din sa jail doon ang mga big time drug traffickers.

Ang Manila City jail ay isa rin sa mga pinakabulok kung saan may mga inmates na maaaring makalabas ng kanilang selda at makapag-happy-happy. Isang katibayan ay ang ginawa ng Chinese drug trafficker na si Yu Yuk Lai ilang taon na ang nakararaan na nakalabas sa jail at nakapagsugal sa isang casino.

Batbat ng corruption ang mga jails lalo na rito sa Metro Manila. Pinagkakakuwartahan ng mga mukhang perang warden o mga jailguards ang mga inmates. Kapalit ng pera maaaring makapagpasok ng droga, patalim, cellphone at sa maniwala at sa hindi, babae na maaaring katalikin ng bilanggo. Kung may pera ang bilanggo, tuwang-tuwa ang mga jailguards o warden sapagkat sagana sila sa pera. Ang ganito ay hindi na balita sapagkat matagal nang nangyayari sa mga jail sa buong bansa.

Ang katibayan sa kabulukan at corruption sa mga jail ay lalong luminaw nang mangyari ang tangkang jailbreak ng mga miyembro ng teroristang Abu Sayyaf noong Lunes ng umaga. Inagawan ng baril ng mga Abu Sayyaf ang dalawang jailguards at saka binaril. Ang isang guard ay sinaksak ng metal spikes.

Ang nakapagtataka ay kung bakit nagkaroon ng baril at mga metal spikes ang mga Sayyaf. Nakapagtataka rin kung bakit nagkaroon ng cell phone ang mga terorista? Isa pa ring nakapagtataka ay kung bakit may baril ang mga jailguard habang naghe-head counting sa mga bilanggo. Hindi ba’t bawal ang pagdadala ng baril at mga matatalas na bagay sa loob ng bilangguan lalo sa maximum security compound?

Inabot ng 24 oras bago natapos ang krisis. Dalawampu’t-tatlong Abu Sayyaf ang napatay samantalang isa naman ang napatay sa mga lumusob na Special Action Force.

Sabi ng PNP, noon pa raw December nila nalaman ang balak na pagtakas at ipinaalam nila ito sa mga opisyal ng BJMP. Ano ang nangyari at hindi napaghandaan? Naging relax pa sapagkat naaagawan ng baril at napatay ang jailguard.

Tapos na ang krisis sa Camp Bagong Diwa pero hindi dapat matapos kaagad ang imbestigasyon sa BJMPwe! Sibakin ang mga walang silbing opisyal!

ABU SAYYAF

ANG MANILA CITY

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAMP BAGONG DIWA

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

JAIL

METRO MANILA

SA CAMP CRAME

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with