DOH may control ba sa bottled water?
March 15, 2005 | 12:00am
BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO, si three-star General Art Lomibao. Siya ang hinirang ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo kapalit ng nag-tired este mali nag-retired na si PNP Director Egay Aglipay.
Ibang klase naman ang ipinasalubong ng mga Abu Sayad este mali Sayyaf pala kay Art kahapon sa Camp Bicutan imbes na umaatikabong palakpakan ang ginawa, umaalingawngaw na putukan ang nangyari.
Kaya naman may dead sa parte ng gobyerno ganoon din sa parte ng mga Sayyaf. Magkita kaya ang mga namatay sa langit?
Iyan ang dehins alam ng mga kuwago ng ORA MISMO!
Ang isyu, talaga bang fit for human consumption ang mga ibinebentang bottled water sa Metro-Manila?
May control ba ang Department of Health tungkol dito?
Anong say mo DOH bossing Manuel Dayrit, Your Honor?
Sa pagkakaalam ng mga kuwago ng ORA MISMO, wala silang nakikitang health certificate na nakapaskil sa mga establishments na nagbebenta ng bottled water.
Bakit kaya?
Habang wala pang nakakamote sa pagtoma ng bottled water kailangan paspasan ng DOH ang pagsusuri nila.
Baka naman maghintay pa ng madidisgrasya bago kayo kumilos. Tubig inumin ang pinag-uusapan natin mga kamote at hindi ito biro kapag pumalpak.
Nakakasigurado ang mga kuwago ng ORA MISMO, malaking isyu ito kapag nagkataon oras na may makamote.
Siguro dapat bigyan ng oras ng DOH ang ikinukuwento ng Chief Kuwago, anang kuwagong urot.
Huwag silang pakaang-kaang, sabi ng kuwagong Kotong cop.
Sa palagay ko hindi magpapabaya ang DOH sa kanilang tungkulin, natatawang sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame
Dapat lang dahil marami ang mabibingit sa kamatayan kapag kontaminado ang water.
Tumpak ka diyan, tekamots.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended