Napag-alaman ko ng ang liham na ito ay ipinadala rin kay President Gloria Macapagal-Arroyo upang ipaalam sa kanya ang pagtututol ng mga kawani laban sa nabanggit na pinuno ng nasabing ahensya.
Ayon sa kanila na magmula ng si Santos ay manungkulan, may tatlong (3) buwan na ang nakaraan, ang opisina ng Insurance Commission ay naging magulo at hindi magkaintindihan ang mga empleado at marami. Marami ng mga boss ang nagsilitawan. Mga naging amo-amuhan. Si Santos naman ay naging laman ng pambatikos sa mga dyaryo at radyo dahil sa ibat-ibang isyu.
TAKOT, ALINLANGAN, GALIT AT KAWALAN NG TIWALA sa isang sistemang pinaiiral ni Benjamin S. Santos, Jr., ang nangingibabaw sa mga empleyado ng buong Insurance Commission.
Nagkaroon daw ng mga reshuffle sa pwesto ng mga Division Chiefs, pinalawak ang kanilang kapangyarihan, itinaas ang antas. May iba naman daw na ibinaba ang antas at inalisan ng katungkulan. Higit sa lahat meron daw mga taong kasama itong si Santos na kinakanlong nito at ngayoy mga "bagong hari" sa Insurance Commission.
Dahil sa mga "bagong hari" na mga ito, may mga mabubuting tao na nadadamay, nadungisan sa kanilang mga gawain.sa loob ng Insurance Commission.
"Divide and Rule" daw ang naging panuntunan ni Santos.
Simpleng flag ceremony na kinagawiang ganapin sa harapan ng flag pole sa malawak na bakuran ng IC, sa halip ay ginaganap sa kwarto at parang Phariseo na nagsesermon tungkol sa mga moral values ay wala naman daw siya nun.
Sayang ang pinag-aralan daw nitong si Santos na tapos pa sa Harvard University sa USA, ngunit wala naman sa kanya ang pagiging professional. Baka sa Harvard St., sa Cubao, QC nagtapos ang taong ito. Di naman kaya?
Sa isang report na tinanggap ng "CALVENTO FILES" nuong ika-21 ng Oktubre 2004, mga 3:45 ng hapon, si Santos ay dali-daling pinuntahan ang isang Division Chief sa groundfloor. Pagpasok, daw malakas at pabagsak na sinara ang pinto, sinigaw-sigawan ang Division Chief, binalibag at ibinato ni Santos ang mga papel sa mesa ng Division Chief at naghamon ng suntukan. Handang handa na ang mga kamao ni Santos. Aba, hindi pala si Manny Pacquiao ang dapat ilaban kay Erik Morales kundi si "Da Flash Santos." Mas bagay maging boksingero ka Commissioner!
Isang empleado ng IC ang hinimatay at nawalan ng malay sa gitna ng kaguluhan na nangyayari. Hindi kaya tinamaan ito ng ligaw ng KAMAO nitong si "Da Flash Santos."
Hindi pa nasiyahan itong si "Da Flash Santos," nagkaroon pa raw pangalawang enkwentro. Kinabukasan, ika-22 ng Oktubre mga alas 9:30 ng umaga, binalikan ni "Da Flash Santos" ang Div. Chief. Umakyat ito sa second floor tumuloy sa opisinang muli ng Div. Chief. Ito ang second round. Hinamong muli ni "Da Flash Santos" ang Div. Chief, minura at sinigaw-sigawan. Siyempre pa ito ay nangyari muli sa harap ng publiko, mga empleado, bisita at claimants. Sa pagkakataong ito, may media coverage na itong non-title fight nitong si "Da Flash Santos" dahil na Inereng live ang interview ng Div. Chief sa radyo.
Ang dating tahimik na tanggapan ng IC ay nag-iba na ng pumasok daw itong si "Da Flash Santos." Nagmistulang "WILD CARD GYM" ito kung saan ingay, murahan at sigawan ang nangyayari sa example na ipinapakita nitong si "Da Flash Santos." Sayang, ang kalakalan ng insurance ay international ang saklaw. Nakikita ang uri at tibay ng kalakalan sa pamamagitan ng namumuno sa ahensiyang tumitingin at nangangalaga sa kaayusan nito. Kung bulok ang pinuno nito, bulok din ang tingin ng tao dito.
Does "Da Flash Santos" exude the leadership that is needed in running a reputable agency as the Insurance Commission? With everything that had happened, can he now claim that he holds the "moral ascendancy" to continue with his task?
President Arroyo, would you still want a man like him to serve as Chief of the Insurance Commission? He is a liability to that agency.
Hindi nga raw pumapasok ng tama sa oras itong taong ito. Ayon sa mga report sa akin, bihira daw pumasok ng maaga itong si Santos. Hapon na raw kung dumating ito.
Madalas nagpapatawag siya ng meeting after office hours na kung saan pauwi na ang mga division chiefs. Nocturnal person yata itong si Santos.
Nakakagulat, si Santos ay 66 yrs old na at ayon sa mga umiiral na regulasyon sa Civil Service, ang mahigit 65 taong gulang na ay hindi dapat maluklok bilang Insurance Commissioner. Tatang, magretiro ka na kaya at mamahinga. Magbitiw ka na sa posisyon mo!
Minsan na raw pinagalitan itong si Santos ng Civil Service Commission sa pagtatalaga ng isang opisyal ng ahensya sa Career Executive Service Officers (CESO) pool na hindi man lang ipinaalam sa kanila.
Si CSC Chair Karina Constantino-David ay pinagalitan si Santos at ipinaalala na meron mga rules for replacement sa CESO Pool matapos magpadala ng notification itong si Santos sa CSC na inilagay ni si Deputy Commissioner Vida T. Chiong sa CESO Pool.
"There is a need to request the pool administrator to accept the replacement of the CESO in the pool," ayon kay David.
Ang ginawa kasi nitong si Santos, effective agad ang pagtalaga niya matapos ang thirty days notification. "Tatang, wag ka naman nagmamadali ang nagsasariling kilos."
Marami pang ibang mga reklamong natanggap ang "CALVENTO FILES" na ating ilalathala.
Isa lamang ang layon natin. Ito ay iparating hindi lamang kay PGMA kundi sa sambayanan ang sigaw ng mga officers at staff ng Insurance Commission:
The Insurance Commission and the insuring public do not deserve a person like Santos. They deserve somebody much much better. MR. BENJAMIN SANTOS RESIGN!!
PARA SA ANUMANG COMMENTS O REACTIONS, MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.