^

PSN Opinyon

US ‘paraiso’ ng ambisyosong Pilipino

- Al G. Pedroche -
Detroit, Michigan, USA – Hangga ngayon ay tinitingala pa rin ng marami nating kababayang Pilipino ang United States bilang lugar na dapat patunguhan para umunlad ang buhay. Dapat sana’y wala nang mandayuhan sa ibang bansa kung maraming oportunidad na hanapbuhay sa Pilipinas. Nakalulungkot ito.

Hindi sila masisisi. In our own country, there are not enough quality jobs at ang sahod ng mga empleyado at manggagawa ay kakarampot kung ikukumpara sa kikitain sa Amerika. Mas lalong malungkot ang katotohanan na pati ang mga nagtapos ng medisina ay kumukuha ng kursong nursing o kaya’y caregiving para makapag-migrate sa Amerika o Canada. Kasi, mahihirapan silang makapasa sa state board kung sila’y doktor na tutungo rito. Hindi katulad ng mga nurse, physical therapists o caregiver na madaling makadampot ng trabahong may malaking suweldo.

Doktor magna-nurse?
Hindi ba malaking sampal at insulto sa ating mga Filipino professionals ito. Madalas, ang mga dayuhang nagtutungo rito as nurse ay nagsisimula bilang tagapag-alaga ng mga may-sakit. Pati puwit ng mga matatanda at baldado ay hinuhugasan nila. Don’t tell me na dapat gawin ito ng isang Pinoy doctor? Well, kahit sino marahil na may ambisyong makatikim ng ginhawa ay lulunukin na ang prinsipyo at amor-propio.

But I suppose
dapat nang magising ang ating gobyerno. Ilang administrasyon na ang nagdaan at nangakong lilikha ng maraming disenteng hanapbuhay para sa mga Pilipino. Pero tila hangga ngayo’y marami pa rin ang unemployed at underemployed.

Kahit ang sarili kong mga anak na sina Alvin at Bong ay hindi ko masisi sa pag-migrate nila dito. Talented sila nang higit pa kaysa akin. Ang talent ni Alvin ay sa negosyo. He and his wife Carmela are running their own caregiving business with nurses, PT and doctors under their employ. Si Bong naman, pati na ang kanyang asawang si Marita na kararating lamang dito ay nagsisilbi lang bilang mga nurse pero may sariling planong binubuo. Malungkot pero ang pinagsisilbihan nila ay ang Amerika at hindi ang Pilipinas. Kasi naman, mayroon din silang sariling future na gustong mapatatag na hindi magagawa kung sila’y nasa Pinas. Ganyan ang takbo ng isip ng marami nating kababayan sa Amerika at ibang panig ng mundo.

ALVIN

AMERIKA

BUT I

CARMELA

KASI

PILIPINAS

PILIPINO

SI BONG

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with