^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bantayan ang vendors sa paligid ng school

-
AWAL nang magtinda ang mga vendors sa bisinidad ng mga pampublikong eskuwelahan. Ito ang direktiba ng Department of Education (DepEd) matapos mamatay ang may 30 estudyante sa San Jose Elementary School sa Mabini, Bohol noong nakaraang Miyerkules. Nalason sa kinaing meryendang gawa sa kamoteng kahoy o balinghoy ang mga estudyante.

Nauwi sa isang malagim na trahedya ang dati’y masayang pagre-recess. Huling recess na pala nila iyon. Alas-diyes nang mag-recess ang mga bata at mga kakaning gawa sa balinghoy ang kanilang binili. Umano’y maruya at pitsi-pitsi ang mga kakaning binili ng mga estudyante. Dalawang vendors umano ang binilhan ng mga kakanin.

Makalipas ang isang oras, nakaramdam ng pagkahilo hanggang sa magsuka ang mga estudyante. Ang kasunod ay nakapangingilabot sapagkat namatay na ang karamihan. Hindi na umabot sa ospital. Ang kamoteng kahoy ang itinuturong nakalason. Umano’y may taglay itong cyanide. Pero sa pagsusuring ginawa sa mga kamoteng kahoy, mababa naman ang content ng cyanide. Insecticide poisoning ang isa sa anggulong tinitingnan ngayon ng awtoridad.

Karaniwan nang makikita ang maraming vendors sa paligid ng mga pampublikong eskuwelahan hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa probinsiya. Nakaabang sila sa gate ng eskuwelahan. Kung anu-ano ang kanilang itinitinda na karaniwan ay pagkaing pangmeryenda. Dinudumog sila ng mga estudyante sa oras ng recess.

Sa pagkalason ng mga estudyante, isang kautusan nga ang pinalabas ng DepEd na nagbabawal sa mga vendors na magtinda sa paligid ng mga pampublikong eskuwelahan. Mahigpit daw nilang ipatutupad ang kautusang ito at magalit na kung magalit ang mga vendors.

Tama lang ang kautusang ito ng DepEd at sana ay noon pa nila ito ipinatupad. Hindi na dapat maulit ang pagkalason sa mga estudyante. Sikapin naman sana ng DepEd na magkaroon ng kantina sa loob ng school at nang masiguro na ang pagkaing isisilbi sa mga estudyante ay hindi makalalason.

Nararapat namang subaybayan ng mga magulang ang kanilang anak at pagbawalang bumili sa mga vendors. Ipaliwanag na mabuti sa kanila ang dahilan ng pagbabawal.

BOHOL

DALAWANG

DEPARTMENT OF EDUCATION

DINUDUMOG

ESTUDYANTE

HULING

METRO MANILA

SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with