Pinupuri ko ang mga readers na may ganitong positibong pananaw. Tama po kayo na ang maagang pagkatuklas sa cancer ang magsisilbing daan para ito ay maagapan. Kung nasa early stages pa lamang ang cancer magtatagumpay sa paggamot dito.
Narito ang mga palatandaan ng cancer para sa kapakanan ng readers:
Mga sugat na hindi gumagaling at nag-iincrease ang size lalo na sa bahaging labi, dila, taynga, pilikmata o sa ari.
Bukol na hindi masakit o matigas na makikita sa suso, dila, labi, leeg, kilikili, singit.
Pagdurugo at abnormal discharge sa bibig, tumbong, ari ng babae at urinary bladder.
Pagdumi na paiba-iba ang oras at salitan ang diarrhea at constipation lalo na ang mga nasa age 40.
Parating may sore throat at malat ang boses.
Hindi matunawan.
Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, pagkakaroon nang hindi maipaliwanag na lagnat o panghihina.
Nagbago ang kulay at laki ng warts, nunal at birthmark.
Madalas na pananakit ng ulo, sinusitis o nahihirapang makakita.
Ibig ko lamang linawin na ang mga nabanggit ay warning signs lamang at hindi ibig sabihin ay meron nang cancer. Ito ay isang paalala upang makapagpakonsulta agad sa doctor ang mga apektado.