^

PSN Opinyon

Malaking pagkakamali

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
PAGKARAAN ng panimulang pagsisiyasat, natiyak ng Graft Investigating Officer ng Ombudsman na may sapat na dahilan upang isakdal sa Sandiganbayan ang isang alkalde tungkol sa anomalyang inireklamo laban sa kanya – ang pamimili at pagbayad ng 552 sakong bigas sa halagang P458,160.00 samantalang 50 o 60 sako lamang ang actual na binili na kinumpirma pa ng may-ari ng tindahan mismo. Sinabi pa ng may-ari na ang resibong pinirmahan niya ay blanko. Batay sa mga ebidensiyang ito, sinampahan ng kaso ang Mayor sa Sandiganbayan ng Malversation through falsification of public documents.

Sa kahilingan ng Mayor, pinayagan ng Sandiganbayan na imbestigahan muli ang kaso. At pagkaraan ng panibagong imbestigasyon, nirekomenda ng nag-re-imbestiga sa Ombudsman na iurong na ang kaso dahil batay sa bagong ebidensiyang inilahad ng mayor ang reklamo laban dito ay walang sapat na batayan. Binawi na raw ng may-ari ng tindahan ang kanyang unang salaysay at ayon naman daw sa audit report lumalabas na walang iregularidad. Dapat bang i-urong ang sakdal?

HINDI
. Hindi ang prosecution ang nagpapasya kung may sala nga ba ang akusado na walang pag-aalinlangan. Ang tungkulin nito ay alamin lang kung malamang na nagkasala nga ang isang akusado upang ang kaso nito ay litisin ng hukuman. Ang pangunang pagsisiyasat na ginagawa ng prosecution ay hindi nangangailangan ng ebidensiyang panghatol. Hukuman, hindi taga-usig, ang may katungkulang alamin kung ang akusado ay nagkasala ng walang kaduda-duda. Ang rekomendasyong iurong ang kaso laban sa mayor ay base sa pagpapahalaga sa ebidensiya na kailangang dumaan sa mahigpit na pagsusuri ng hukuman sa isang malawakang paglilitis ng kaso (Rizon vs. Desierto, G.R. No. 152789 October 21, 2004).

BATAY

BINAWI

DAPAT

DESIERTO

GRAFT INVESTIGATING OFFICER

HUKUMAN

KASO

RIZON

SANDIGANBAYAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with