^

PSN Opinyon

Mga nagawa ng Clean Air Act

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
MAHIGIT na limang taon na rin mula nang pagtibayin ang Clean Air Act o RA 8749. Sapat na panahon na ito upang makita ang nagawa nito sa paglilinis ng hangin lalo na sa mga pangunahing siyudad sa Metro Manila.

Ang ebalwasyon ay hindi lang ginagawa sa sarling pananaw kundi base sa masusing pagmo-monitor at pag-aaral at pagsasagawa ng pananaliksik.

Ang taong 2003 hanggang 2004 ay mahahalagang panahon para sa kampanya ng pamahalaan upang linisin ang hangin. Kabilang sa milestones ng Clean Air Act at ng implementing rules and regulations (IRR) ay ang nagpi-phase-out ng leaded gasoline. At noong unleaded gasoline na ang ginagamit, nabawasan pa ang aromatics mula 45 percent hanggang 35 percent.

Maliban dito ipinatupad din ang pagbawas ng sulphur content ng automotive diesel mula sa 0.2 percent hanggang 0.05 percent at pagbawas ng 0.3 percent maximum sulpur ng industrial diesel. Isa pang mahalagang nagawa dahil sa Clean Air Act ay ang pagtanggal ng mga incinerators na ginagamit sa mga bio-medical wastes.

Pinasimulan din ang paggamit ng mga malinis na alternatibong gasolina tulad ng CNG o compressed natural gas at liquefied petroleum gas.

Ang paglalagay ng air quality monitoring stations sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at sa iba pang siyudad ay malaking tulong upang ma-monitor ang pagbuti o pagsama ng kalagayan ng hangin at upang makakuha ng mga impormasyon para makapagsagawa ng pollution management at control program.

AIR

CLEAN AIR ACT

ISA

KABILANG

MALIBAN

METRO MANILA

PINASIMULAN

SAPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with