^

PSN Opinyon

Pilipinas kong corrupt

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
PAGKAPAHIYA ang nadama ko nang mabasa na number two sa pinaka-corrupt na bansa sa Asya ang Pilipinas. Hindi ko alam kung bakit pagkapahiya ang aking naramdaman samantalang alam na naman ng buong mundo kung gaano ka-corrupt ang Pilipinas. Marami nang nakaaalam nito. Ang survey ay ginawa ng Political and Economic Risk Consultancy Ltd. (PERC). Number one ang Indonesia sa pinaka-corrupt.

Matagal nang hindi nakakaangat sa putikan ng katiwalian ang Pilipinas simula pa noong panahon ni dating President Ferdinand Marcos.

Ang katibayan sa pinakabagong survey ng PERC ay ang corruption na kinasasangkutan ni Maj. Gen. Carlos Garcia na hanggang ngayon ay wala pang linaw. Wa epek din ang paghaharap ng mga kaso ng gobyerno laban sa mga corrupt na opisyal. Mayroong mga natanggal at pinaghaharap ng iba’t ibang kaso dahil sa unexplained wealth.

Maraming nagtataka kung bakit nasa pangunahing listahan ng pinaka-corrupt na bansa samantalang kahit papaano ay may ginagawang paraan ang gobyerno tungkol dito. Mas marami ngayon ang nahaharap sa kaso ng katiwalian. Si dating President Estrada ay isa rin sa patunay.

May mga pinaghaharap ng kaso ng katiwalian ang gobyerno, mas marami pa rin ang patuloy na gumagawa ng katiwalian sa loob at labas ng pamahalaan. Isa pa, sa tagal na ng panahon, wala ni isang magnanakaw sa pamahalaan ang nahatulan ng mabigat na kaparusahan. Panay paghaharap ng mga kaso at puro satsat lamang. Ang kailangan ay may masampolan upang mapaniwala ang lahat na talagang seryoso ang pamahalaan laban sa corruption.

ASYA

CARLOS GARCIA

ISA

MAJ

MARAMI

MARAMING

PILIPINAS

POLITICAL AND ECONOMIC RISK CONSULTANCY LTD

PRESIDENT ESTRADA

PRESIDENT FERDINAND MARCOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with