Ang tubig na lumalabas sa katawan habang nag-eehersisyo ay dapat na mapalitan para maging normal ang pagdaloy ng dugo sa katawan. Bukod sa tubig, ipinapayo din ang pag-inom ng fruit juices. Hindi inirerekomenda ang pag-inom ng tsaa at kape ng mga nag-eehersisyo. Napag-alaman na ang - caffein ay masama ang epekto sa buto kabilang na ang osteoporosis na principal cause na pagkabali ng buto lalo na sa mga nagkakaedad. Ang caffein ay nagpaparupok ng bato.
Sinasabi na ang paglalakad ay pinakamadali, pinakamura at pinakaligtas na form of exercise. Sa ngayon ay parami nang parami ang nagbri-brisk walking na mabisang paraan sa pagbawas ng timbang at calories sa katawan. Sa paglalakad lahat ng muscles at nerve cells ng katawan ay gumagalaw at mainam na paraan din nito para maiwasan ang coronary artery disease.