Imbes kasing gugulin nila ang kani-kanilang oras sa pagtuturo, aba ang inaatupag ng dalawang kampo ay ang kanilang away na hanggang sa ngayon ay wala pang linaw. Sumulat na ang mga guro sa superintendent ng Division of City subalit hindi pinansin ang kanilang hinaing. Si Education Secretary Florencio Butch Abad na lang ang pag-asa ng mga guro para maresolba ang mahigit dalawang taon na nilang problema, he-he-he! Baka hinihintay pa ni Abad na dumanak ang dugo sa Burgos bago siya kumilos.
Karamihan sa mga nagrereklamong guro ay halos doon na nahasa sa pagtuturo sa Burgos hanggang sa sila ay magiging master teachers. Hindi naman sa nagyayabang pero ayon sa mga guro ng nakausap ko, ang performance ng pupils nila noon ay masabi nating exemplary. Kayat hindi na bago sa pandinig na ang mga estudyante ng P. Burgos Elem. School ay napagpanalo sa mga ginanap na mga contests sa anumang subjects. Subalit nagsimula ang delubyo sa buhay ng mga guro nang dumating bilang principal nila noong Agosto 2002 si Dr. Estrella Agbayani. Imbes kasi na unahin niyang lalong pagyabungin ang kalidad ng pagtuturo ng mga guro eh, ang inatupag ni Agbayani ay ang pag-takeover ng operation ng multi-purpose cooperative, fund raising at iba pang pagkakakitaan. Ano ba yan?
Divide and rule ang taktikang pinapairal ni Agbayani kayat dalawang factions na sa ngayon ang mga guro ng P. Burgos Elem. School. Ang kitchen cabinet daw ni Agbayani ay ang club president, ang guidance counselor, ang school nurse, isang grade 6 teacher at iba pang titser na nakikinabang sa principal. Isama na sa mga kakampi si Agbayani si Mennie Nakpil ang dating presidente ng Faculty na ayaw umalis sa puwesto at ilipat ang kanyang kapangyarihan sa bagong elect na presidente na si Ms. Josephine Antonio. Sa kabilang panig naman ay ang mga opisyales ng cooperative na sina Esperanza Mayuga, Eleanor Pan, Josephine Antonio, Edgardo Flores, Henry Estacio, Feliticia Ladaga, Renato Jarabese at Teresita del Rosario. He-he-he! Hindi malayo na may kaugnayan sa pera ang awayan na ito ng grupo ng principal at mga guro sa P. Burgos Elem. Sch., di ba mga suki?
Sa ngayong mala-pit na ang graduation, hindi nalalayo na magpa-koleksiyon na naman ang grupo ni Agbayani, tulad ng ginawa nila noong nakaraang taon, ng kung anu-anong fees na taliwas sa zero collection policy ni Manila Mayor Lito Atienza. Taun-taon kasi si Mayor Atienza na ang sumasagot ng graduation expenses sa public elementary at high schools para hindi na mabigatan pa ang mga magulang pero ang P. Burgos ay nangolekta ng P120 para sa toga at picture, P15 sa bulaklak, P10 sa plastic para sa diploma. Kung may 675 graduates ang eskuwelahan, ba maliwanag na P97,875 lahat ang nakolekta at maraming magulang ang umaray. May karugtong!