^

PSN Opinyon

Staff ng congressman nagalit sa crew ng PAL

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang nagalit ang staff ng isang congressman sa crew ng Philippine Airlines nang hindi ma-upgrade ang upuan ng kanyang bossing?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Bro. Col. Willy Bonilla, Tess Gutierrez ng Metrobank; incoming BSP Gov. Amando Tetangco Jr., Engr. Felix Lumabas, Neal Cruz ng PDI at Manny Crisostomo.
* * *
Alam n’yo bang pinagalitan ng staff ng Congressman ang ilang crew ng PAL dahil hindi na-upgrade ang upuan ni Congressman mula Japan pabalik ng Pilipinas?

Ayon sa aking bubuwit, noong March 6, 2005, dakong 10:00 a.m. sa Narita Airport, kasasakay pa lamang ng staff ni Congressman sa eroplano ng PAL flight PR 431 ay nagngangawa na ito.

Pinagalitan nito ang ilang flight attendant ng airline dahil hindi raw binibigyan ng importansiya ang kongresista.

Hanep, matindi rin itong magsipsip sa kanyang bossing. Kaya lang, napaka-tonto naman niya, sila ay galing Japan at wala sa Manila nang sumakay sa PAL ang kanyang bossing.

Anong paki-alam ng mga empleado ng PAL sa Japan kung sino siya, e hindi naman siya kilala?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, yung staff ni Congressman na naka-suot ng red shirt at naka-gold Cartier na eye glasses ay panay pa ang name dropping.

Dinig na dinig ng mga pasahero nang magyabang siya na tinawagan daw niya ang anak ng may-ari ng PAL na si Mr. Bong Tan upang ireklamo ang hindi pagbibigay ng VIP treatment kay Congressman. Kaya lang, hindi raw ma-contact si Mr. Tan nang ito ay tinawagan niya sa cell phone.

Mabuti nga sa iyo. Ang yabang-yabang mo! Alam mo bang gusto ka na sanang dagukan ng aking bubuwit dahil mas mayabang ka pa kay Congressman.

Congressman, pagsabihan mo ’yang bata mong napaka-arrogante. Nasisira ang image mo.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, si Congressman at ang dalawa niyang staff ay naupo sa Row 81 H, J and K.

Porke ba hindi sila nailagay sa Business Class ay nagagalit na ang bata mo Congressman?

Teka, ano naman kaya ang ginawa nila sa Japan? Ito ba’y official business o nagtirik lang kayo ng bandila ng Pilipinas sa Roponggi?

Ayon sa aking bubuwit, ang congressman na may mayabang na staff na nagalit sa mga flight attendant ng PAL dahil hindi sila na-upgrade ay si…

Dagukan mo yang bata mo congressman para hindi nakakaladkad ang iyong pangalan.

Ang congressman na may mayabang na staff ay si Marcelino ‘‘Nonoy’’ Libanan ng Eastern Samar.

ALAM

AMANDO TETANGCO JR.

AYON

BUSINESS CLASS

CONGRESSMAN

EASTERN SAMAR

FELIX LUMABAS

J AND K

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with