"Ang kaibigan ni Twinkle..."
March 7, 2005 | 12:00am
SA PAGPAPATULOY NG AKING PAG-IIMBESTIGA SA KASO NG "GANG RAPE" NA NANGYARI KAY "TWINKLE" (DI TUNAY NA PANGALAN) NAGKAROON AKO NG PAGKAKATAONG MAKAUSAP ANG KAIBIGAN NIYA NA SI MARY ANN HERNANDEZ.
Inamin ni Mary Ann (Mean) na sila nga ni Twinkle ay nagpunta sa bahay ni Rommel de Torres, sa Barangay Bolbok, Lipa City nung tanghaling ika-20 ng Setyembre, 2004.
Mariin namang itinatanggi nito na nagkaroon ng panggagahasa sa loob ng bahay nila Rommel. Hindi raw totoo na "pinilahan" si Twinkle" ng kanilang mga kaibigang lalake na si NORVIN CARANDANG, CHRISTIAN CUENCA, ROMMEL DE TORRES, RAYMOND VILLASOR, MACON PAGCALIWANAGAN AT JOEL ROXAS.
Tinalakay namin ang mga kaganapan matapos ang insidente at tungkol sa mga pahayag ng mga pinuno ng Bolbok National High School, particular na ang Principal nito na si Natalia Padua at ang kanilang Guidance Counselor na si Paulino Tiqiuz.
Ayon sa pahayag ng Ms. Padua, hindi daw nila kinick-out si Twinkle dahil wala silang kapangyarihan magkick-out ng estudyante. Maari lamang silang magrecommend at ang kapangyarihan magdesisyon ay nakasalalay lamang sa Department of Education.
Ang lahat ng kanilang mga sinasabi ay nakalaman sa isang Affidavit na sinumpaan, sagot sa kasong isinampa sa kanilang dalawa na "Grave Abuse of Misconduct, Conduct unbecoming of a Public Officer and Usurpation and Abuse of Authority."
Nang makausap ko itong si Ms. Padua, may paiyak-iyak pa ito sa akin at sinasabi na nadehado naman sila sa aking isinulat nung panimula ng serye na ito. Hindi naman daw nila kinick-out si Twinkle. Hawak ko ang kopya ng isang kasulatan kung saan nakasaad na "tinitiwalag" nila si Twinkle at pati na rin si Mary Ann Hernandez mula sa kanilang eskwelahan. Ito ang magpapatunay na hindi totoo ang kanilang mga sinasabi.
Sa aking pag-uusap kay Mean, sinabi nito na talagang kinick-out sila ng Principal ng Bolbok. Isang araw matapos ang insidente, ipinatawag sila sa tanggapan ng Principal at dun ibinigay sa kanila ang isang papel kung saan nakasaad na tinitiwalag nila itong sina Twinkle at Mean.
"Isang araw matapos ang insidente, ipinatawag kami sa office ni Ms. Padua at sinabi na tinitiwalag na nila kami ni Twinkle. Kasama ko ang aking ina. Tatlong linggo akong hindi nakapasok sa eskwelahan at pagkatapos ipanatawag niya akung muli at sinabi na pwede na raw akong pumasok. Nagtaka ako dahil akala ko hindi na ako makaka-graduate," ayon kay Mean.
Malinaw na pinabalik si Mean dahil nagkaroon na ng reklamo itong principal mula sa mga magulang ni Twinkle at nakarating na sa Department of Education.
Ang tanong ko kay Mean ay kung bakit hindi nila pinabalik din si Twinkle gaya ng ginawa nila sa kanya.
"Galit po siya kay Twinkle dahil nadamay daw ang school at pati siya sa mga pangyayari," ayon kay Mean.
Ang pahayag na ito ay sinang-ayunan ni Vicky Cuenca, ina ni Christian, isa sa mga akusado na nagsabi na nung nandun sila sa opisina ni Ms. Padua. Galit na galit daw ito kay Twinkle.
"Kasama ko nun sina Dety Roxas, Emilia Carandang, Virginia de Torres, Adelfa Villasor, Marissa Pagcaliwanagan ng sabihin niya sa amin na hinding-hindi daw niya lulunukin ang kanyang pride para kay Twinkle. Ayaw niyang gumawa ng paraan para maayos ang insidenteng ito na pakiramdam namin ng mga magulang ng bata ay naging ganito dahil sa kanilang pagkick-out kay Twinkle," mariing sinabi ni Mrs Cuenca.
Si Ms. Padua ay nasa huling taon ng kanyang pagiging guro. Nakatakda na itong magretiro. Ayon kay Mrs. Cuenca, maaring natatakot itong malagay sa peligro ang kanyang retirement benefits at pension kayat ganito ang mga kinikilos ni Ms. Padua.
Base na rin sa Affidavit na ipinadala sa aking ni Ms. Padua, nakalagay dun,
"That if she really wants to transfer to another school as in the letter of Atty. Isabelita Bathan-Manigbas, we are willing to issue to her all the papers necessary to effect the said transfer."
Ayon naman kina Twinkle, Mean at ina na isang akusado na si Vicky Cuenca ikaw ang nag-aayos sa Ludlud High School para mailipat sila dun. Nasaan ang request letter nila na gusto nilang magtransfer. Sige nga, ipakita ninyo.
Ayaw nila Twinkle at Mean na lumipat ng eskwelahan. Apat na taon sa high school ang ginugol nila sa Bolbok. Karamihan sa kanilang mga kaibigan ay nandyan. Kung totoo ngang gustong lumipat ni Twinkle sa Ludlod, maari bang ipakita mo sa amin ang anumang request sa iyong possession na maaring magpatunay nito?
Sa halip na magsagawa kayong mga school authorities ng isang masusing imbestigasyon upang matulungan ang mga batang nasangkot sa gulong ito, pilit nyong tiniwalag sina Twinkle at Mean sa pag-asang mawala na sa inyong bakuran ang responsibilidad dito.
Ayokong isipin na may kulay ang lahat ng ito. Na ang pagkick-out mo kay Twinkle nung Sept. 21, isang araw matapos ang insidente, ang pakay mo ay matabunan itong isyung ito kung nasa ibang eskwelahan na itong si Twinkle.
Ito ba ay dahil sa kagustuhan mong hindi makaladkad ang inyong eskwelahan sa isang eskandalo o dahil ba meron kang prinoprotektahan.
Mga kaibigan, napag-alaman ko na ang asawa nitong si Ms. Padua at ang pamilya ng isang akusado na si Rommel de Torres ay magkasosyo sa isang negosyo. Isang malaking babuyan sa Lipa City. Totoo ba ito Ms. Padua?
Kung hindi pa kayo nalalaglag sa inyong kinalalagyan, tinanong ko si Mean kung ano ang sinabi sa kanilang mag-ina ng ipatawag sila ni Ms Padua sa kanyang opisina nung pinababalik na siya sa Bolbok.
"Sabi po sa amin ni Ms Padua, pwede na raw akong pumasok ulit pero wag na lang daw kaming iimik tungkol dun sa pagkikick-out," mahinahong sabi ni Mean.
PARA SA COMMENTS O REACTIONS MAARI KAYONG MAGTEXT SA 09213263166. MAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.
E-mail address: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended