Patuloy kaming nakatutok sa mga pekeng gamot
March 7, 2005 | 12:00am
PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng aming grupo sa sindikato ng pekeng gamot.Base sa impormasyong ibinigay ng aming intel na malapit na kamag-anak ng nahuling si Peter Guevarra, kanya-kanyang pulasan na daw ang mga ito at inilikas maging ang mga pekeng gamot sa kani-kanilang bodega.
Ngunit sa pagkakataong ito, bilang partida, hindi muna namin isisentro ang aming mga mata sa grupo nitong Mamas Boy na si Peter Guevarra.
Dahil matapos naming maipalabas sa BITAG ang pagkakahuli sa lider ng kanilang grupo, dinagsa kami ng mga tips ukol sa iba pang mga kaparehang sindikato sa Northern Luzon.
At sa pagkakataong ito, kabilang na ang mga drug stores at ilang bogus na pharmaceutical companies.
Nakakaalarmang isipin dahil maging ang mga doktor na ating pinagkakatiwalaan ay nabibiktima rin ng mga sindikatong ito.
Maaaring alam nilang peke ang ibinibenta sa kanilang mga gamot, pero sa halip ay tinatangkilik nila dahil dito sila mas makamura.
May ilan namang inosente sa pagkakamaling makabili nito. At may ilang sadyang tanga lang talaga dahil kahit pare-pareho ng kinalalagyang capsules ang ibat-ibang uring gamot ay naibebenta pa rin sa kanilang mga klinika
Nakakatakot dahil ang mga gamot na ito ipinaiinom nila sa kanilang mga pasyente. Kaya tiyak na peligro ang aabutin ng sino mang mabibiktima nito
Kaya mahalagang maging mapilit mapanuri ang lahat lalo na sa pagbili ng mga gamot.
Isang paglilinaw ang nais naming ipahatid. Kamakailan ay nabanggit namin na para makasiguro sa iniinom na gamot, bumili lamang sa mga malalaki at may pangalang botika.
Ngunit matapos naming makausap si Philippine International Trading Corporation (PITC) Chairman and President Roberto Obet Pagdanganan natukoy naming makasisiguro ang lahat maging sa mga maliliit na drugstore.
Bahagi ito ng sinimulan nilang kampanyang Botika ng Bayan kung saan makabibili ng parehong tatak at bisa ng gamot sa abot-kayang halaga.
Sinabi rin ni Chairman Pagdanganan na ginagawa nila ang lahat para maihatid sa publiko ang mura at mataas na kalidad na gamot.
Taliwas ito sa kaalaman ng iba na porket mura ay expired at peke.
Maka-ilang ulit kong sabihin na wala kaming intensyon sa Bahala si Tulfo at BITAG na patayin ang industriya ng mga maliliit na drug stores
Trabaho naming maipahayag ang lahat ng kailangan mala- man ni Juan dela Cruz. Kayat sa anumang babalang aming ibinibigay, iniiwan namin sa publiko ang pagpapasyat pag-iingat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am
January 20, 2025 - 12:00am
January 18, 2025 - 12:00am