EDITORYAL - Walang ceasefire! Tapusin ang laban!
March 7, 2005 | 12:00am
TAMA ang desisyon ni President Arroyo na walang ceasefire sa mga teroristang Muslim sa Sulu. Tama lamang na ipagpatuloy ang opensiba laban sa kanila. Tama ang pasyang huwag pakinggan ang panawagan ng ilang sector na itigil ng gobyerno ang pagtugis sa mga miyembro ng Moro National Liberation Front na nakipagkutsabahan sa mga halang ang kaluluwang Sayyaf. Karamihan sa mga humihiling ng ceasefire ay ang mga dating rebeldeng MNLF. At isa lamang ang ibig sabihin ng hinihiling na ceasefire, wala nang kakayahan ang mga terorista sa Sulu na makipaglaban. Kung patuloy silang makikipaglaban, mauubos lamang sila ng tropang sundalo kaya naisip na makipag-ceasefire. Maaaring isa ring paraan iyon para makapagpahinga at makapangalap ng miyembro. Marami na ang namatay sa sagupaan at hanggang ngayon patuloy pa rin ang labanan doon.
Nagsimula ang labanan noong Peb. 7, 2005 nang lusubin ng nagsanib na MNLF at Sayyaf ang army detachment sa Sulu. Umanoy ginawa ng MNLF ang pagsalakay bilang ganti sa ginawang pagpatay ng marines sa isang bata. Itinanggi naman ito ng military. Ang sumunod ay walang puknat na labanan. Kabilang sa napatay ay isang army battalion commander. Tinamaan ng mortar si Col. Dennis Villanueva at hindi agad nadala sa ospital. Naubusan ng dugo si Col. Villanueva.
Hinala ng pamahalaan na nasa likod ng mga pagsalakay ng mga MNLF renegades ang dating chairman nito na si Nur Misuari. Si Misuari ay kasalukuyang nakakulong dahil sa kasong rebelyon. Itinanggi naman ni Misuari na may kinalaman siya sa pagsalakay.
Nararapat ipagpatuloy ang pagdurog sa MNLF at Sayyaf. Huwag nang bigyan ng pagkakataon ang mga terorista. Huwag pakinggan ang kahilingan ng ilang sector na itigil ang labanan. Sasamantalahin lamang ang tigil-putukan para makatakas o kayay makapangalap ng miyembro. Hindi na dapat maulit ang mga ginawang kasalanan ng MNLF at Sayyaf sa taumbayan na maski ang mga walang kamalay-malay na sibilyan ang kanilang piniperhuwisyo.
Tapusin ang laban sa mga terorista sa Sulu. Huwag hayaang maging pugad ng masasamang elemento ang nabanggit na lugar. Masyado nang nabugbog sa kaguluhan ang Sulu dahil sa mga terorista. Maski ang mga taga-Sulu mismo ay nagsasawa na rin sa kaguluhan na matagal nang namamayani roon.
Maibabalik lamang ang katahimikan sa Sulu kung madudurog nang lubusan ang mga teroristang MNLF at Sayyaf.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended