^

PSN Opinyon

Susi sa pangmatagalang kalusugan ang Arthrsospira Platensis

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ARTHROSPIRA Platensis ang pinagmumulan nang napakaraming bitamina at nutrisyon para sa ating mga kalamnan upang magkaroon ng higit pang maayos na kalusugan.

Ayon sa World health Organization (WHO), 98 percent ng tao sa mundo ay biktima ng kawalan ng nutrisyon sa katawan o dili kaya ay pagiging obese. Ang kakulangan ng mga bitamina at sapat na nutrisyon sa katawan ay nagpapakita ng panganib para sa mga tao dahil sa higit pang madaling pagkakaroon ng mga karamdaman katulad ng infection, cancer at iba pang kinalaman sa mga sakit katulad ng metabolic disorders. Gayundin ang mga sakit na may kinalaman sa panghihina dahil sa pagtanda.

Sa isang food conference ng WHO noong 1974, idineklara na ang Arthrospira Platensis na ‘‘Pinakamahusay na pagkain para lumakas at tinagurian ding ‘‘Ang kasagutan sa kakulangan ng nutrisyon sa mundo.’’ Ang taguring ito ay ipinagkaloob sa Arthrospira Platensis dahil sa mga sumusunod.

Protina 60-70%

Fats and lipids 6-8%

Carbohydrates 10-15%

Bitamina, mineral at iba pa 7-13%

Limang kadahilanan kung bakit dapat tayong kumain ng Arthrospira Platensis:

• Nililinis ang iba’t ibang parte ng katawan, body organs’’ at cardiovascular system sa pamamagitan ng chelating action. Nagbibigay ng mabilis na reserve energy habang pinalalakas ang resistensiya ng katawan. Ang patuloy na pagkain ng Arthrospira Platensis ay nagiging dahilan para patuloy na magkaroon ng cellular regeneration at rejuvenation ng bawat body cell at tumutulong ibalik ang metabolic balances.

Ang Arthrospira Platensis ay mabilis na sumasama sa dugo at nagbibigay ng pangangalaga laban sa kakulangan ng mineral sa katawan.

Nagbibigay din siya ng malulusog na kalamnan, buto at mga glands para sa higit pang maayos na function ng pangangatawan.

• Mabilis sa pag-aksiyon ng nutrient at compact food para sa fasting, athletes, body builders at mga nagpapagaling na pasyente.

• Mataas ang Vitamin A, Folic Acid, B, B2, B6, B12, Vitamin E,C,D, H at marami pang iba. Ang mga vitamins na nabanggit ay nagdudulot para maging malinaw ang paningin, magandang balat, ngipin at malakas na baga at puso. Napakahusay sa anemia, nerve degeneration at iba pang mga sakit ng pagtanda (degenerative diseases).

• Ang mataas na concentration ng protina at amino acid ay para sa brain health at growth repair, maintenance of cells, tissues and overall na energy at stamina.

Lahat na yata ng ideal vitamins at nutrisyon ay matatag-puan sa Arthrospira Platensis, na nangangalaga ng ating pangkalahatang kalusugan.

ANG ARTHROSPIRA PLATENSIS

ARTHROSPIRA

ARTHROSPIRA PLATENSIS

FOLIC ACID

NAGBIBIGAY

PARA

PLATENSIS

VITAMIN A

VITAMIN E

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with