^

PSN Opinyon

Nasaan ang loyalty mo Gen. Cudal, Sir?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAG-UMPISA na ang legal offensive ng kampo ng naarestong drug lord na si Jackson Dy para maiwasan ang pinakamabigat na kaparusahan ng krimeng ginawa niya. Sa kasalukuyan, ang mga abogado ni Dy ay nag-file ng mga motion sa Korte para mabawi nila ang mga ari-arian na kinumpiska ng mga ahente ng gobyerno sa kanila. Ang nagre-representa sa drug lord ay ang Sales, Cudal and associates na may opisina sa Diliman, Quezon City. Ang Cudal pala roon ay si retired police general Steve Cudal, na kaibigan ni Sen. Ping Lacson. Ayon sa mga nakausap ko, mukhang gustong palabasin ni Cudal at ang partner niya na si Atty. Benjamin Sales na walang sapat na ebidensiya ang gobyerno para kumpiskahin ang mga ari-arian ni Jackson Dy. He-he-he! Hindi ako kukurap sa kaso ni Jackson Dy mga suki.

Ang pinagkakaabalahan sa ngayon nina Sales at Cudal ay ang pagbawi ng condo units ni Jackson Dy sa Lancaster Suites at Marina Bay Homes na matatagpuan sa Pasay City at Parañaque City. Milyun-milyong halaga ng shabu, raw materials at equipments ang nabawi sa naturang mga lugar nang magsagawa ng raid ng mga bataan ni PNP chief Dir. Gen. Edgar Aglipay noong nakalipas na mga taon. Ang Anti-Money Laundering Council (AMLAC) na itinatag ni Presidente Arroyo para habulin ang ill-gotten wealth ng mga kriminal at iba pa ang nangunguna para kumpiskahin ng gobyerno ang mga ari-arian na mga ito ni Jacson Dy. Ang ginagamit sa ngayon ng mga abogado ni Dy at ang asawa niyang si Wang Li Na. Ang nakakalungkot lang, kinalong nang mahigit 30 taon ng gobyerno si Cudal tapos kinalaban pa sila matapos makuha ang retirement bene-fits niya, he-he-he! Saan ang tinatawag na loyalty mo sa gobyerno ha Gen. Cudal Sir?

Ang isa pang gamit ni Jackson Dy na hinahabol ng partner ni Cudal ay ang kontrobersyal na kotseng Jaguar. Ayon kay Sr. Supt. Federico Laciste Jr., ang Hepe ng CIDG-NCR ang Jaguar ay nakarehistro sa pangalan ni Allan Sy o Jackson Dy, ang mga alyas na ginagamit ng drug lord na ang Intsik na pangalan ay Li Lan Yan. Pero ayon naman kay Sales na partner ni Cudal, ang may-ari ng Jaguar sa ngayon ay ang kliyente nilang si Ramon Hong Jr. Ang title of ownership ng Jaguar ay napapunta kay Hong bunga sa Deed of Assignment, ani Sales sa sulat niya kay Aglipay.

May kinalaman kaya ang LTO sa pag-transfer ng ownership ng Jaguar ni Jackson Dy kay Hong? Ewan ko!

Daan-daang shabu at tone-toneladang raw materials ang nakumpiska ng AID-SOFT dito kay Jackson Dy. Kaya pa kaya ng mga abogado niyang palabasin na hindi niya pag-aari ang mga ito? Walang imposible kapag may milyon kang panggastos di ba mga suki?

Kung sabagay, si Dy ay sumasailalim sa marathon hearing sa husgado sa Trece Martires sa Cavite. Iniutos ni Aglipay ang pagdagdag ng SAF sa security escort niya bunga na rin ng balitang gagamitin niya ang kinang ng pera para makatakas.

May plano rin ang kampo ni Jackson Dy na sirain ang kredibilidad ni Laciste at mga tauhan niya, Magtagumpay kaya ang kampo ni Jackson Dy? Abangan!

vuukle comment

AGLIPAY

ALLAN SY

ANG ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL

ANG CUDAL

AYON

CUDAL

JACKSON

JACKSON DY

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with