Ginagamit ng grupo ng mga Pekadores ang tanggapan ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo para sa kanilang Oplan Kikil!
Nanggagalaiti sa galit si Mel nang mabalitaan nito na may grupong gumagamit sa TFAS na umiikot sa airport.
Nakakuha ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng isang kopya ng Mission Order kuno ng TFAS-Special Projects Group sa ilalim ng Office of the President na may petsang March 1, 2005.
Pirmado ito ng isang Filomeno C. Vicencio Jr., Head Special Projects ng TIPOs este mali TFAS pala.
Ang mga miyembro ng TIPOS este mali TFAS pala ay sina Intelligence Officer Ramon P. Vicencio, Special Chief for Operation 1, Intelligence Officer Inocentes P. Sionesa, Assistant Chief for Operation 2, Intelligence Officer Jaime R. Calleja, Chief Supervisor, IA Romualdo G. Castel, IA Abaslon A. Tolentino, IA Vincent R. Conde Jr., IA Leonardo M. Sanchez, IA Nerio S. Campo, IA Danilo R, Angelo at IA Tresmedo G. Tabrilla, pawang mga agent daw.
Idagdag pa ang mga bangketa boys ni Bullet na si Noel, Dennis at George ng NBI kuno. Mga kilabot ng Greenhills, Virramall.
Ang masakit todits hindi sila kilala at authorized ni Mel kaya ang ibig sabihin mga hao-shiao sila.
Sabi nga, mga pekeng James Bond!
Si Mel, ang Deputy Head ni Angie sa TFAS for your information, Dear Readers!
Ang TFAS ang bagong name ng NASTAF binago ang pangalan nito dahil sa Executive Order ni Prez GMA.
Inatasan ni Mel si Col. Esmeralda Saplada, bossing ng NAIA-Customs Police, na hulihin ang mga hao-shiao sa paliparan para huwag nang makapamerwisyo ang mga ito.
Ipinaaalam ni Mel sa publiko na tatlo lamang silang top brass officials ang puwedeng pumirma ng mga Identification Card or Mission Order ng Task Force Anti-Smuggling, si DILG Sec. Reyes, Ako at Roy Kyamco.
Hihilingin ni Mel, kay BOC Commissioner Bert Lina na bawasan ang mga task force ng bawat division sa Aduana.
Bakit ba ang sangkatutak ang gustong pumapel sa smuggling operations diyan sa Bureau of Customs? anang kuwagong swinger.
May natutulong ba sila?
Yes
Ano?
Ang magpa-tara.
May pitsa kasi todits, sagot ng kuwagong Kotong cop.
Malaki
Si Secretary Reyes lang ang makakagamot sa mga tulisan sa bureau sa tulong ni Lina.
Ano ang dapat gawin?
I-monitor niya ang operation ng mga Ask Force este mali Task Force pala sa bureau anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
Sige hintayin natin ang mahuhuli para malaman ng public na dehins sila log-tu sa pansitan.
Paano ang grupo ng Kamag-anak Incorporated?
Huhubaran ni Angie ng mascara ang mga ito kinakalkal na nila ang malalalim na lakad ng mga kamote.
Sige hintayin natin, lagapot!