^

PSN Opinyon

Katuparan ng pangarap

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Sa Village po namin ang Senior Citizens

Ay naging masaya noong Valentine’s Day;

Magandang pangako ng Congresswoman namin

Ay matutupad nang walang pagmamaliw!

Kaming mga Seniors na nagbagong-tatag

Sa kanya’y humiling tanggapang matatag;

Siya ay tumugon at nangako agad -—

Ipagagawa n’ya -— gusaling pangarap!

Ang pondo ay mula sa kanyang CDF

Na naghintay muna ng national budget;

Ngayong may pondo na kami’y nasa langit

Pagka’t pangako n’ya’y aming makakamit!

Sa Unang Distrito ng Laguna province

Talagang masipag Kinatawan namin;

Ang pangalan n’ya ay Uliran Joaquin

Ulirang maybahay ni Nereo’ng magiting!

Ang pangako niya’y totoong-totoo

Pagka’t tumawag na kanyang sekretaryo:

Dahil sa malaki ang proyektong ito

Inaayos na raw ang detalye nito!

Pagka’t Valentine’s Day nang ito’y itawag

Magandang regalo ang aming tinanggap;

Ang puso ni Uli’y may kaibang sangkap

Pagka’t ang puso n’ya’y para sa mahirap!

"Senior Citizens Haven" itatawag namin

kapag natapos na ang nasabing building;

kumpleto sa gamit at kitchen utensils

na sa ibang donors aming hihilingin!

Kami namang mga opisyal at miyembro

Magiging matapat sa tungkulin dito;

Di kami papalpak maglingkod sa tao -—

Lalo’t sa matanda na Ilaw ng Mundo!

vuukle comment

DAHIL

ILAW

INAAYOS

MAGANDANG

PAGKA

SA UNANG DISTRITO

SA VILLAGE

SENIOR CITIZENS

SENIOR CITIZENS HAVEN

ULIRAN JOAQUIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with