Well, okay sana iyan kung walang tanggalan ang tinatawag nilang unlimited call and text. Papaano kapag inalis na ang promo dahil marami nang nagsilipatan sa Sun? Kawawa naman ang mga cellphone users na naakit. Para silang nadaya porke akala nilay forever and for good ito. Iyan ang pagdududa ng ilang nakausap nating subscribers. Okay sana kung kasing episyente ng ibang cellphone company ang Sun, anila. Pero ayon sa kaibigan kong dating subscriber, kay hirap daw maka-contact sa Sun.
Dahil ditoy lumipat na lang siya dun sa "mas kilala." Reklamo pa ng isang dating Sun subscriber, kapag labinlimang minuto na ang pakikipag-usap mo sa cellphone, itoy biglang napuputol (o sadyang pinutol?). And to think na isa sa mga come-on o pang-akit ng Sun ay puwede raw tumawag ng matagalan sa "Sun-to-Sun subscribers."
Ano naman ang basehan ng pagdududa sa promo ng Sun? Anang isang analyst, kung ipi-permanente ang "unlimited call and text", "malulugi" raw ang kompanya in the long run. Kapag dumagsa raw ang mga Sun subscriber dahil sa kanilang kaakit-akit na promo, malamang na hindi makayanan ng pasilidad nito na serbisyuhan ang tumaas na volume ng customers. Ikinumpara ng isang analyst ang strategy sa nagtitinda ng lugaw. sa unay ibebenta ng mas mura ang pagkain para pataubin ang mga kakumpitensya. Kapag nagiba na ang mga competitors, dun naman aariba ng pagtaas sa presyo. The end result, magtatayo ng monopolyo.
Kung handang magpalugi ang naturang kompanya sa ganitong promo, saan ito kukuha ng pondo para paghusayin ang serbisyo na siyang pinaka-importanteng aspeto ng serbisyo sa telekomunikasyon? At heto pa ang nasagap kong alingasngas: Pinapataas daw ng mga owners ng Sun ang tingin ng publiko sa kompanya para i-buy-out ito sa magandang presyo ng mga kakumpitensyang kompanya.
If this happens, kawawa yung mga nagsilipatan sa Sun dahil ibebenta lang pala sa dakong huli ang kompanya.
At kung di naman ibebenta, kawawa pa rin kung mananatili ang problema sa madalas na pagkaputol ng kuneksyon o dropped calls, gayundin yung kahirapang maka-establish ng contact.