^

PSN Opinyon

Unlimited call, text ng Sun dirty gimmick?

- Al G. Pedroche -
HUMAHATAK ng customers ang pakulo ng Sun Cellular na "24/7unlimited call and text". Pero may mga nagdududa na baka ito’y isa lamang marketing ploy. Matitinding higante ang kalaban ng Sun, kaya kailangan daw umisip ng strategy upang ma-engganyo ang ibang cellphone users na lumipat sa kampo nito. Sasabihin siguro n’yo, ganyan naman talaga sa competitive world at walang masama sa promo o mga gimmick.

Well, okay sana iyan kung walang tanggalan ang tinatawag nilang unlimited call and text. Papaano kapag inalis na ang promo dahil marami nang nagsilipatan sa Sun? Kawawa naman ang mga cellphone users na naakit. Para silang nadaya porke akala nila’y forever and for good ito. Iyan ang pagdududa ng ilang nakausap nating subscribers. Okay sana kung kasing episyente ng ibang cellphone company ang Sun, anila. Pero ayon sa kaibigan kong dating subscriber, kay hirap daw maka-contact sa Sun.

Dahil dito’y lumipat na lang siya dun sa "mas kilala." Reklamo pa ng isang dating Sun subscriber, kapag labinlimang minuto na ang pakikipag-usap mo sa cellphone, ito’y biglang napuputol (o sadyang pinutol?). And to think na isa sa mga come-on o pang-akit ng Sun ay puwede raw tumawag ng matagalan sa "Sun-to-Sun subscribers."

Ano naman ang basehan ng pagdududa sa promo ng Sun? Anang isang analyst, kung ipi-permanente ang "unlimited call and text", "malulugi" raw ang kompanya in the long run. Kapag dumagsa raw ang mga Sun subscriber dahil sa kanilang kaakit-akit na promo, malamang na hindi makayanan ng pasilidad nito na serbisyuhan ang tumaas na volume ng customers. Ikinumpara ng isang analyst ang strategy sa nagtitinda ng lugaw. sa una’y ibebenta ng mas mura ang pagkain para pataubin ang mga kakumpitensya. Kapag nagiba na ang mga competitors, dun naman aariba ng pagtaas sa presyo. The end result, magtatayo ng monopolyo.

Kung handang magpalugi ang naturang kompanya sa ganitong promo, saan ito kukuha ng pondo para paghusayin ang serbisyo na siyang pinaka-importanteng aspeto ng serbisyo sa telekomunikasyon? At heto pa ang nasagap kong alingasngas: Pinapataas daw ng mga owners ng Sun ang tingin ng publiko sa kompanya para i-buy-out ito sa magandang presyo ng mga kakumpitensyang kompanya.

If this happens,
kawawa yung mga nagsilipatan sa Sun dahil ibebenta lang pala sa dakong huli ang kompanya.

At kung di naman ibebenta, kawawa pa rin kung mananatili ang problema sa madalas na pagkaputol ng kuneksyon o dropped calls, gayundin yung kahirapang maka-establish ng contact.

vuukle comment

ANANG

ANO

DAHIL

IKINUMPARA

KAPAG

PERO

SUN

SUN CELLULAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with