^

PSN Opinyon

Dagdag kaalaman sa kanser sa atay at uterus

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ISA sa nakapangingilabot na sakit ay ang kanser sa atay.

Ayon kay Dr. Rene Mendoza, isang biliary surgeon ang mga sumusunod ay sintomas ng kanser sa atay: Abdominal pain, pagbaba ng timbang, paglaki ng tiyan, ang ihi ay kulay tsaa, paninilaw ng mga mata at pangingitim ng balat.

Sinabi ni Dr. Mendoza na maiiwasan ang cancer sa atay kung magpapabakuna laban sa Hepa-B, iwasan ang sobrang alcohol at sigarilyo at exposure sa toxic chemicals gaya ng mercury, lead at zinc. Kung matutuklasan nang maaga ang sakit magagamot ito sa pamamagitan ng operasyon.

Sa karagdagang impormasyon tungkol sa cancer of the liver, sumangguni kay Dr. Mendoza sa 0917-7961867 at 9354336.
* * *
Sa mga kababaihang inuurungan na ng regla dapat na maging alerto at maagap kapag may kakaibang discharge na nagmumula sa kanilang ari. Maaaring sintomas ito ng cancer of the uterus. Kadalasan, mga babaing umeedad ng 50 pataas ang nagkakaroon ng cancer sa uterus. Kapag napuna ng mga nagme-menopause na may lumalabas sa kanilang puwerta na animo’y nagtutubig-tubig na may halong dugo, huwag nang magpatumpik-tumpik at agad sumangguni sa OB-GYNE. Mapanganib kapag kumalat na ang kanser.

Sinasabi na ang mga kababaihang ang pamilya ay may history ng diabetes, breast at vaginal cancer ay puwede ring magka-cancer sa uterus. Gayundin ang mga obese, may alta presyon at hormonal embalanced.

AYON

CANCER

DR. MENDOZA

DR. RENE MENDOZA

GAYUNDIN

HEPA-B

KADALASAN

KAPAG

MAAARING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with